Phantom no. 21

26 5 0
                                    



Jude's POV

9 days had past like a blur.

Ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Marilou. Ngayon ang kasal niya at maaring eto na ang huli naming pagkikita.

Masakit para sa akin ang makitang ikinakasal siya sa iba pero wala akong magagawa.

Siguro iniisip niyong napaka sadista ko naman at pupunta pa ako sa kasal ng babaeng pinakamamahal ko, pero gusto ko lang Makita siyang Masaya. It was also my way to wish her good luck.

Natagpuan namin si Mark sa Bolinao, Pangasinan. Actually hindi kami ang nakakita sa kanya, isang magsasaka actually, dinala siya nung magsasaka sa hospital at doon na namin siya nakitang puno ng pasa at sugat. Ang sabi din ng doctor ay malala daw ang natamo niyang mga sugat lalo na sa ulo. Kaya he was in coma.

It was like Strum. I just hope na hindi siya matulad kay Strum na nawalan ng ala-ala.

Tungkol kay Strum at Carfel? Ayun! Nagdedate pa rin sila! Bwesit lang! kasi naman, si Carfrel! Lumalandi na!

Pero actually, during their dates. Nagbibihis babae na si Carfel. And I will admit it to you guys, she was beautiful!

Lagi siyang nakasuot ng jeans, pero hindi tulad dati na mga maluluwag na t-shirt ang ipinapares, mga blouse kung saan lumalabas yung pagka sexy niya. Tapos hindi tulad dati na laging nakatali yung buhok niya ngayon.. lagi na itong nakalugay.She was also wearing doll shoes na talaga namang bumagay sa porma niya.

I found her really attractive every time I see her.

And the oddest thing, my heart was literally beating fast whenever she was around.

Sila Dylene at Nathan! Ayun nagbalikan! Parang mga tangang naglalambingan sa opisina. Si Nathan laging dinadalhan si Dy ng mga flowers o kaya chocolates. Minsan naman tungkol sa mga anime na favorite ni Dy.

-____-'

Nadala yata si Nathan nung nagbreak-up silang dalawa...

Padabog kong binaba ang aking mga kamay at suko na ako sa pagaayos ng neck tie. At parang kabuteng biglang sumulpot ang mama ko mula pinto ng kwarto ko.

She looked at me lovingly like she always does.

Inayos niya ang pagkakatali ng neck tie ko at pinagpagan ang suot kong amerikana.

"anak, tumawag nga pala si Strum kanina. Sabi niya ngayon daw ang alis ni Carfel papuntang Korea." sabi niya na medyo may kalungkutan.

Dahil best friend ko si Carfel, naging malapit silang dalawa. Minsan nga parang mas gusto pa atang maging anak si Carfel kesa sa akin.

-____-'

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi makapaniwalang tumingin kay mama.

"a-ano po?" tanong ko.

"ang sabi ko ngayon ang alis ni Carfel papuntang Korea... anak.. alam mong mahal na mahal kita, at susuportahan ko kung ano man ang maging desisyon mo.. pero sana naman anak, piliin mo yung itinitibok ng puso mo... let go the past anak! Grab the opportunity to be happy!" makahalugan niyang sabi. Saka ako iniwan na gulong-gulo.

She was right.

Pero eto ang ikasasaya ko.

Ang makitang Masaya ang babaeng pinakamamahal ko, pagkatapos naman nito.. move on na ako.

Si Carfel, aalis na.

Mas maganda na ata yun.. she was now reaching her dreams to voice out her feelings.

That Guy With A Phantom FiancéWhere stories live. Discover now