Phantom no.24

34 3 0
                                    

Jude's POV

Nagulat ako ng biglang tumakbo si Strum pagkatapos sabihin na si Liann was his Fiancé.
Kung ganun...

Naalala na ni Strum ang lahat?

h-how?

w-when?

Papaano at kelan niya pa nalaman?

Bakit hindi niya agad sinabi?

Naputol ang pagiisip ko when someone nudge me from my side.

"tingin mo tol, kelan pa naalala ni Strum si Liann?" tanong ni Mark.

"hindi ko alam..." I shook my head while murmuring those words.

Hindi ko maiwasang balikan yung mga araw na gustong malaman ni Strum si Liann. Mga araw na gusto kong sabihin lahat ng may kinalaman sa taong minahal niya, sa best friend naming lahat.

The pain that was long forgotten has finally creeping inside for the second time.

And I don't think makakaya pa naming ...

maayos ang lahat.


***


Liann's POV

Noong una kong narealize na isa na akong multo.

Natakot ako.

Natakot ako kung ano nang mangyayari sa akin... pati na rin sa mga kabiga't pamilya ko na naiwan ko.

Halos mawasak ang puso ko ng maalala ko si Strum.

Anong magiging reaction niya pag nalaman niya na wala na ako?

Paniguradong magwawala siya...

At sisisihin niya ang sarili niya sa nangyari sa amin.

Sumisikip ang dibdib ko ng maalala ko ang nangyari sa amin. Mahal na mahal ko si Strum at hindi ko alam ang gagawin ko ngayong multo na ako.. hindi ko kayang iwan siya.

Nung nagising ako.. hindi ko alam kung nasaan ako, basta na lang akong nasa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. I didn't even know kung kanino yun... at nung marealize kung multo na ako, I just ran.

At dinala ako ng mga paa ko sa prisinto

Nabuhayan ako ng loob na makikita ko si Strum.

My heart was beating fast with delighted nung malaman kung nakikita ako ni Strum. But again my heart shattered when he said he couldn't remember me.

Lalo pa yung nadurog ng malaman kong isinekreto nila Jude ang importance ko sa buhay ni Strum. Pero, naiintindihan ko naman kung bakit nila nagawa yun. They are trying to keep Strum from the heartache na ngayon ay nararanasan ko. Ayokong maranasan ito ni Strum.

Masakit.

Sobrang sakit pero tinaggap ko yun dahil hindi ko siya kayang iwan magisa. I never gave up and continuously ko siyang sinusundan.

Gusto kong maalala niya ako.. gustong-gusto kong maalala niya ako.

But then hindi lahat ng gusto natin nasusunod.

Noong una nahirapan ako dahil sa mga masasakit na sinabi niya. Pero para na akong tood at pilit na lang iniintindi yun.

At those times, I always pray na sana kahit minsan lang, kahit isang saglit lang na maalala ako ni Strum habang nandito pa ako.

Gusto ko lang makapagpaalam ng maayos at marinig kong mahal niya ako.

Miss ko na yung dating Strum. Yung Strum na lagi akong pinapakilig at pinapatawa. Yung Strum na kahit anong mood ko eh, nagpapagaan sa loob ko. Miss ko na rin yung mga kaibigan ko. Miss ko na yung dating buhay ko.

That Guy With A Phantom FiancéWhere stories live. Discover now