Phantom no. 7

26 3 0
                                    




Strum's POV

"AAAHHHH!!!!" napatalon ako mula sa kama ko dahil sa sobrang gulat. Bakit? Kasi isang timbang malamig na tubig ang bumuhos sa aking katawan!

Hindi ba matagal ng tapos ang ice bucket challenge?

Ba't may malamig na tubig!!!

Aarrrgghhh!!!

inilibot ko ang aking panigin para hulihin ang criminal sa kasong ito, pero sino ba ang niloloko ko? Halatado naman kung sino! Sa taas ng kama ko makikita ang pulang timbang nakataob at nakakonekta sa mahabang tali na nakakabit sa kisame.

Mga bwesit!

"ERIC! KEVIN! PAGBABAYARAN NIYO TOH!!!!" galit kong sigaw. At nasisiguro kong rinig ako sa buong bahay.

Napahinga ako ng malalim at napahilamos ng mukha gamit ang kamay ko. Palagi na lang ganito ang umaga ko... pra-prankahin ng mga pinsan ko at gagantihan ko sila, magaayos, kakain at papasok sa trabaho. Sa araw-araw na ganun ang ginagawa ko hindi ko namamalayan ang oras, at parang pakiramdam ko walang kwenta ang buhay ko, parang may kulang na hindi ko maintindihan.

Napatigil ako sa pagiisip ng biglang sinagan ako ng araw na nanggagaling sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw na naghuhudyat na tanghali na. agad akong napatingin wall clock na nakasabit sa dingding na katapat ng kama ko...

O___O

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko...

8:00!

Late na ako!!!

Agad akong nagpunta sa banyo na kadugtong lang ng room ko at ginawa ang mga dapat gawin. Nagbihis ako ng kulay gray na polo at maong na pantalon, tinernuhan ko din ito ng itim na nike rubber shoes. Nagsuot din ako ng brown leather jacket para matakpan yung nakasuksuok na baril at nakalagay na shapa sa may belt ko. Pinunasan ko lang ang buhok ko at saka sinuklay gamit ang kamay ko, bumalik sa banyo at nagtooth brush. Saka sumakay sa elevator.

Habang nasa elevator, hindi ko maiwasang magisip na malalim,. Lalo na yung nangyari kagabi. Bakit ba, ganun na lang ang nararamdaman ko kapag ganun ang emosyon na ipinapakita niya? parang gusto kong maiyak kapag nakikita yung mukha niyang malungkot. Pero ang hinding-hindi ko maintindihan, pramis! Ang pagmamatigas at pagpupumilit niya na Fiancé ko siya!

Pero bakit parang may kung ano na gustong maniwala sa kanya? Hindi ko maintindihan. Kahit anong isip ko, wala akong makuhang sagot. Ni wala nga akong makuhang dahilan kung bakit eh!

*ting!

Sa sobrang pagiisip ko, hindi ko na naman namalayang nasa pupuntahan ko na pala ako. Lumabas ako sa elevator at sinalubong ako ng mga nagliliparang plato. Muntik na akong tamaan pero nakailag ako agad. Nakita ko ang dalawa kong magaling na pinsan na may kanya-kanyang hawak na plato.

"HAYOP KA KEVIN! WALA KANG UTANG NA LOOB!" sigaw ni Eric sabay bato ng platong may weep cream. Si Eric at si Kevin na nasa 6'3 ang height. Dahil kambal, hindi mo malalaman ang pagkakaibahan nila kung hindi mo sila lubos na kilala. Si Eric ay isang seryosong tao. Pero short temper siya, madalas makikita siyang nasa Library o kaya sa Laboratory. Kasi isang genius si Eric. Com laude yan noh! At nagtratrabaho sa DOST as a mad scientist.

"MAS HAYOP KA! ANG KAPAL NG PAGMUMUKHA MONG SABIHIN SA AKIN YAN?! EH IKAW TONG NANG-AGAW?" sigaw naman ni Kevin sabay ilag at bato ng isang platong may lamang putik. Si Kevin naman, ay pangalawa kay Eric. Pero kung si Eric eh seryoso, siya naman pilosopo! Happy-go-lucky din ang peg niyan! Magna com laude siya, at nagtratrabaho sa Philippine Army. Siya din ang lagging gumagawa ng mga bomba and other exploding and chemical devices. Lagi ding inaasar ni Kevin si Eric, kasi naman, si Eric medaling mapikon! Kaya ayan!laging nagaaway! Marami silang pagkakaiba at lagi silang nagaaway pero isa lang ang pinagkakasundo nila, PRANKING!

That Guy With A Phantom FiancéWhere stories live. Discover now