Phantom no. 16

35 4 0
                                    

Nathan's POV

"ANO???!!!!" sabay-sabay naming sigaw sa taong pakiramdam ko ay pinaka torpe sa buong mundo!

"sssshhhh! Wag kayong maingay!" pagsasaway sa amin ni Jude.

Napakamot si Strum ng mariin sa kanyang buhok.

"ano ba naman Jude? Kalalake mong tao torpe ka?!" singhal nito kay Jude.

"oo nga! Aminin mo nga bading ka ba?" sunod naman na singhal ni Mark.

"wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa'yo! Mamas boy!" bawi ni Jude kay Mark.

"teka-teka! Kelan mo ba gustong gawin yang binabalak mo?" tanong ni Dylene habang humihigop ng kape.

"m-mamaya!" nahihiyang pagaamin ni Jude.

Ako naman dahil wala akong maisip sabihin kay Jude, sasabihin ko na lang sa inyo kung anong nangyayari at ganito kami makareact.

Plano kasi ni Jude na umakyat ng ligaw kay Marilou HIS loves daw. At sabihin sa kanya ang nararamdaman niya na mula nung highschool pa siya.

-____-'

Torpe ang gago!

Biglang naibuga ni Dylene ang iniinom niyang kape sa mukha ni Jude.

I laughed.

Kasi naman.. saktong sa mukha ni Jude naibuga ni Dylene yung kape! Hahahah!

Pero napatigil ako nang mapansing ako lang pala ang natawa. Samahan mo pa nang nanggigil na tingin ni Jude at Dylene.

-_____-

Sabi ko nga walang nakakatawa.

"eh pano yan? Manghaharana ka ba o bibisita ka lang at aaminin ang nararamdaman mo?" papaupong tanong ni Dylene sa tabi ko. Inakbayan ko naman siya kaagad dahilan para mapalo ang kamay ko at tanggalin ito.

"p-plano ko sanang mangharana mamayang gabi! Pero hindi ko alam kung paano..."nahihyang sagot ni Jude habang nakayuko.

Doon parang natigilan kaming lahat.

Napaisip ako kung sino nga ba at kahit anong pilit kong isipin.. isang tao lang ang pumapasok sa isip ko!

"Si Carfel kaya?!" halos sabay-sabay naming sabi.

Naks ng!

Galing gumaya nang mga toh ah!

"yun nga rin yung iniisip ko kagabi pa!"sabi naman ni Jude.

Sigurado akong nagtataka kayo kung sino si Carfel...

Ehem-ehem!

Let me introduce her to you!

Carfel Visperas. Jude's bestfriend back in college especially during his education courses. She loves to sing, she's smart, she's beautiful... almost perfect... pero bali ang lola niyo! Parang tomboy kong manamit... saka mahirap ang buhay nila Carfel... napatigil siya sa pagaaral dahil nagkasakit ang tatay niya na kalaunan ay namatay. Sumunod yung nanay niya naman ang nagkasakit, kaya wala siyang nagawa kundi ang tumigil sa pagaaral at alagaan nalang ang nanay niya.

"oh! Ano pang hinihintay niyo? Tawagan niyo na nang masimulan na!" cool na suggest ni Dy my loves.

"dadaanan ko na lang siya sa kanila.." sabi ni Jude.

Tumayo siya at umalis ng prisinto.

Napakamot naman ng ulo si Strum.

Sino ba yung Carfel na yun?" tanong niya.

That Guy With A Phantom FiancéWhere stories live. Discover now