Phantom no. 10

32 3 2
                                    

Jude's POV

matapos makalabas si Strum sa hospital, agad na naming ipagpatuloy ang aming naudlot na pagiibig-

aisshh!!!

Ano bang pinagsasabi ko?

Ang lalim ng tagalong tapos anong pagiibigan yang nakasulat jan?

Tsk.

Anyway highway!

Pagkalabas nga ni Strum sa hospital eh agad na naming pinagpatuloy yung pagiimbistiga dun sa tauhan ni Romero, at nakumpirma na sa isang bar sa Labrador, Pangasinan ang tambayan ni Romero pag week end.

Actually, dapat kaming apat lang ang pupunta dito,kaya lang, pinagbantaan ni Dylene si Chief Sebastian na Pagsusuotin niya ito ng Nami outfit mula sa One Piece. Halos maihi si chief nun, at sa sobrang takot, napa-oo agad.

Hays...

Bruhilda tlaga!

-___-'

Nandito kami sa bar na yun, para magimbistiga at kumuha ng ibedensya sa loob. Pero hindi pa man kami nakakaisang hakbang sa pintuan ay hinarangan na kami nung mga bouncer.

O_O

Ganyan lahat ang itsura naming ng Makita kung gaano kalalake yung mga bouncer samahan mo pa na ang papangit ng mga mukha nila!

O diba?

Talagang nakakatakot!!!

"mga totoy! Bawal pumasok ang under 18!" sabi nung isa na naka arms cross, halatadong pinagmamalaki niya yung mga muscles niya para maintimidate kami...

At nagsisimula an akong matakot pero biglng nagsink in sa akin yung sinabi niya...

mga totoy! Bawal pumasok ang under 18!

mga totoy!

totoy!

aba't!

ang kapal ng pace nila mga mudra!!!!

-____-++

Susugod na sana ako ng pigilan ako ni Dylene sabay sabing"tumigil ka at wag magpadalos-dalos! Kung ayaw mong maisuot ang bagong bili kong Hikari Hanazono uniform ng Special A!" pagbabanta niya.

At dahil dun mga kaibigan!

Pormal ng sumabog ang utak ko at...

.

.

.

.

.

.

Natameme ako.

As in nga-nga!

Dylene's POV

matapos kong pagbantaan si Jude tungkol sa bagong bili kong Hikari Hanazono uniform ng Special A, bigla itong natameme at parang nagkaroon ng sariling mundo. Napailing na lang ako at lumipat sa harap niya, saka tinignan ng mabuti ang dalawang bouncer na parang nakalunok nang sandamakmak na pakwan!

"mga boss, baka pede niyo kaming pagbigyan, magkano ba?" cool kong tanong sa kanila, saka dumukot ng bar- este dinukot ko yung wallet ko, kaya lang, maraming laman yung wallet ko kaya hinalungkat ko muna para hanapin yung isang libo.

Inilabas ko yung isang wallet size picture ni Koroko Tetsuya, Kagami Taiga, Hyuga Junperi, Kise Ryouta, Kei Takashima, Usui Takumi at kung sino-sino pang gwapong anime character na collection ko, inilabas ko yung lahat at ipinatong muna sandali sa lapag... ilang sandali pa habang hinahanap ko pa rin yung isang libo, biglang may kumablit sa akin. Napatingin ako sa likod at naabutang nagkakamot ng ulo si Mark. Tinaasan ko siya ng kilay at tinanong kung anong problema.

That Guy With A Phantom FiancéDonde viven las historias. Descúbrelo ahora