Phantom no. 5

63 4 0
                                    




Jude's POV

Tahimik ang biyahe naming dalawa ni Strum. Gusto ko sanang magtanong kung bakit siya umiiyak kaso parang umatras yung dila ko nung sumakay siya at nanatiling tahimik.

Ano kayang nangyare?

Matanong nga!

"u-um... Strum! Pre! May problema ka ba?" tanong ko habang nakatingin ako sa daan. Pero patingin-tingin ako sa kanya.

Hindi siya sumagot.

Nakatunganga lang. nakatingin sa may kalsada.

"pre, kung may probelma ka man... nandito lang kaming tatlo!" sincere kong sabi.

"wala toh pre! Maliit lang toh!" sabi niya. pero halatado sa boses niya na malaki.

Di kaya....

"pre! Alam kong mahirap yang pinagdadaanan mo!" sabi ko. Kaya naman napatingin siya sa akin.

"oo pre! Mahirap talaga!" sabi niya ng walang ka gana-gana.

Alam ko yun.

Kasi dumaan din ako sa ganyang kalagayan.

"pero pre! Nandito lang kami. Yung pamilya mo. Tatanggapin naming kung anong magiging desisyon mo!" malumanay kong sabi.

Nakatingin ako sa daan.

"salama-" nagsalita siya pero pinutol ko rin.

"dumaan ako sa ganyan noong 12 years old ako. Dahil maagang namatay ang tatay ko, lagging sina Tita Michell or si mama ang kasama ko. Dumating ako sa puntong akala ko talaga ganun ako, nariyan na ang pagsusuot ng duster, pagsusuot ng mga bra, pagsusuot ng hikaw ng mama ko, paglalagay ng mga kung ano-ano sa buhok ko, at paga-aply ng make u-"

"teka-teka! Pinagsasabi mo?" tanong niya.

"na dumadaan ka sa matinding pagsubok sa buhay!" malumanay kong sabi.

"anong kinalaman nun sa pagsusuot ng duster, bra, hikaw, paglalagay ng kung ano-ano sa buhok at pagaaply ng make-up sa mukha?" tanong niya.

"alam mo pre, nagatataka na talaga ako kung saan napunta yung talino mo eh!" tumingin ako sa kanya ng saglit saka ibinalik yung atensyon ko sa kalsada.

"pare! Hindi mo sinagot yung tanong ko eh!" inis niyang sabi.

"pre! Lahat ng tao dumadaan sa pagsubok, lalo na yang pinagdadaanan mo ngayon!" sabi ko.

"ano ba kasing pinagsasabi mo?" inis na tanong niya.

"hindi ba dumadaan ka sa matinding pagkalito sa kasarian mo?" tanong ko.

"huh?" tanong niya.

Bobo! Mga pre ang bobo!

"nalilito ka kung babae o lalake ka! Yung bang bading o hindi! Gay or straight! Gets?" inis kong sabi.

.....Silence.....

"PARE NAMAN! KITA MONG NAGEEMOTE AKO DITO, IMBES NAMAKATULONG KA... HMP!" sigaw ni Strum.

Takte! Nabasag yata eardrums ko dun.

saka...

malay ko bang hindi pala ganun yng problema niya?!

ayaw niya kasing magsalita eh!

-_____-'

"pero okay lang kasi nalaman kong kapagsuot ka na pala ng bra!" pangiinis niya.

O___O

n-nasabi ko ba yung pinaka matindi kong sekreto?

-l-langya!

That Guy With A Phantom FiancéWhere stories live. Discover now