Phantom no. 13

34 4 0
                                    

Jude's POV

16:00 @PNP Dagupan City, Pangasinan Branch

"BANGUS FESTIVAL NA!!!!!" sigaw ng isa naming kapwa pulis habang may suot na Bangus costume at iwinagawayway ang isang bandera na may nakasulat na 'bangus festival 2016'.

-_____-'

Hula ko si Dylene nagpasuot niyan...

Hayz!

"attention everyone" halos tumigil ang mundo sa prisinto ng marinig ang announcement... kasi naman, inaabangan ng lahat kung anong magiging pakulo ng mga matataas na opisyal ngayong taon.

Kada taon kasi, kasabay ng festival ay may pakulo din kami para naman mabawasan ang stress naming sa trabaho... "today we celebrate the bangus festival 2016, and as a tradition.. at the 10th day of the celebration, we will conduct a mini contest entitled ' Tell your feelings through Singing in JAPANESE?!" rinig kong sigaw na may halong pagtataka nung announcer sa mga speaker na nakakalat dito sa prisinto.

Japanese?

Ba't parang kinakabahan ako kung sino ang sponsor niyan?

"oo Japanese! Bakit may problema ka dun?"

Rinig kong sigaw ng nagbabantang Dylene sa Speaker.

-____-'

Patay tayo dyan!

Si Dy ang nagsponsor!

>____<'

"N-nothing mam! W-well, as you heard everyone! Tell your feelings through singing in Japanese! The prize will be mini figures of Straw Hat Crew in the popular anime One Piece...."

Halos lahat nagshrug at parang nawalan na ng ganang makasama sa mini contest na yan...

Wala naman kasing kwenta ang premyo.

Kahit ako...

Wala ng gana!

"HOY MGA GAGO! WALANG EXCEMPTED!LAHAT SASAMA!" sigaw ni Dy sa speaker.

Lakas naman ng tenga niya't narinig kami..

Saka...

BAKIT LAHAT SASAMA???

Gulat at halos nanginginig na napalunok ang mga kasamahan kong pulis.

"hindi pede yan! Nakasaad sa article.........blahblah!" rinig kong reklamo nung is akong kapwa pulis.

"at paano naman ang freedom?! Aber? " rinig ko ding sabi ni Chief Sebastian.

"EDI WOW!" sigaw ni Dy sa speaker.

Pilosopo!

"HINDI AKO SASAMA SA PAKULO NA YAN LALO NA'T ANG PREMYO AY ISANG WALANG KWENTANG PIGURA LAMANG! WALA NAMAN AKONG GAGAWIN JAN!" sigaw ni Chief Sebastian na nasa tabi lang pala ni Strum.

"EDI WAG! SINO PANG AYAW SUMAMA?" tanong ni Dy ng pasigaw sa speaker.

At halos lahat ng pulis dito sa prisinto sabay-sabay na nagtaas ng kamay... pwera kami ni Strum, Mark, at Nathan.

"OKAY SO HALOS LAHAT?! Tsk... sayang.." SABI NI Dy sa speaker.

"...e-ehem.... Again the prize will be mini figures of Straw Hat Crew in the popular anime One Piece and 5 plane tickets to Japan plus 100,000 pocket money... for each person."pagtutuloy nung announcer.

OoO

halos parang Flash na napalingon kaming lahat sa speaker at napanganga...

si Chief Sebastian parang isdang bukas sara ang bibig. Yung iba halos malaglag ang panga sa sobrang gulat...

That Guy With A Phantom FiancéDonde viven las historias. Descúbrelo ahora