Cease Fire

45.3K 411 30
                                    

Showtime

"Good morning to our beautiful, sexy, gwapo at cute na mga madlang pipol!" bati ni Anne ng pasigaw at sabay talon.

"Bago tayo mag simula! May nagbabalik tayong kapatid! Vice! Halika na dito!" sabi ni Vhong at inabutan naman ng mic si Vice at pumunta sa stage.

Nagwala ang mga madlang pipol sa pagbabalik ni Vice at ikinagulat din nila ang obvious transformation sa pananamit nito at pagkilos.

"Wow! Namiss ko toh!" sabi ni Vice na natatawa.

Bago pa may sabihin si Vice at nag cut in si Anne, "Wait lang guys! Wait lang! I'd like to call on stage muna my super cute inaanak! Si Parker! Baby Pogi! Come here dali!" sabi ni Anne na sinundo si Parker from his seat. Nahihiya namang pumunta sa stage si Parker kaya't para di mahiya ay umupo sa stage si Anne at binulungan ito at sabay hinarap sa madlang pipol. Si Vice din naman ay tumayo sa likod ni Parker at binulungan din ito, "Go baby, greet your mommy o." sabi dito ni Vice na naka mic.

Tumingin naman up sa mga madlang pipol si Parker at nag smile at look down ulit dahil nahihiya. Ang madlang pipol naman ay napa-aww dahil sa sobrang pogi at cute ni Parker. Habang kausap pa nina Anne at Vice si Parker ay nag interrupt naman sina Vhong at Billy.

"I'm sure kilala nyo na po tong gwapong batang toh, pero kung hindi, aba eh, eto po yung anak ng kapatid din namin dito na si Karylle." sabi ni Vhong at kinurot sa pisngi si Parker.

"Korek kuys! Poging bata! Manang mana sa mga ninong, diba? Hahaha." sabi ni Billy at agad agad naman nag approve si Vhong.

"O guys, sshh muna, baby Pogi, say hello to our madlang pipol!" sabi ni Anne kay Parker at tinapat ang mic dito, ngumiti lang si Parker at yumuko ulit sabay talikod kaharap ni Vice, "Hahahaha, ang cute! Ikaw ha Parker! You were so hyper backstage! What happened to you baby? Hahaha"

Natawa na lang si Vice sa reaksyon ni Parker, yumakap ang bata sa may bewang ni Vice habang nag sp-spiel ang mga host at pinapanood lang ang madlang pipol. Bago mag cue for the theme song ay lumuhod naman si Vice on the stage para ka-level nya si Parker sabay akbay dito, "Come on baby, ikaw na."

Napa smile ng malaki si Parker kay Vice bago hinawakan ang mic ni Vice at sinigaw sa microphone, "IT'S SHOWTIME!!!!!!!!"

Nagpalakpakan naman ang mga proud godparents nito pati na si Vice na niyakap si Parker sabay buhat at bumalik na sila sa kinauupuan nila to let the hosts sing the themesong.

-

Sa kagitnaan ng show ay doon dumating si Karylle. It was during the Bida Kapamilya segment at nag co-comment na ang mga hurado. Bago pa pag commentin ang mga hurado ay tinawag na ni Anne sa stage si Karylle na kadarating lang.

"Everyone! May bisita na naman po tayo! Please welcome, ang namiss nating si K!!!! Karylle! Come!" tinawag ni Anne sa stage si Karylle at binagyan ito ng mic ng staff. Karga karga naman ni K si Parker ng umakyat ito sa stage. Si Parker mismo ang humawak ng mic ng mommy nya, "Hahaha, anak, put it near my mouth," sabi ni K na hinahabol ang mic, "Yan! Hahaha, hello po madlang pipol! Isang good afternoon po sa lahat!"

"Welcome back K!" sabi ni Billy at tumawa.

"Hahaha, welcome back talaga? Hahaha, It's been a while guys! I miss this!" sabi ni K na nag pout bigla. Si Parker naman ay busy sa kakanood ng mga madlang pipol na kaway ng kaway sa kanya.

"Ang taray ni Parker o, ang dami ng fans!" sabi ni Vhong at tinuturo mga taong kumakaway kay Parker.

"Hahaha, sige na guys, thanks for having me! Gutom na tong si bagets eh. Hahaha." sabi ni K na binaba si Parker at nag beso sa mga kaibigan nya at nag wave bye sa madlang pipol.

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon