Seven

28.7K 307 27
                                    

Isang araw na lang birthday na ni Parker. Vice thought it was the right time para ipakita kila Karylle at Parker ang surpresa nya sa dalawa na medyo matagal na din nyang pinagka abalahan. Right after Showtime ay sinundo nya si Parker sa school at si Karylle naman ay dinaanan nya from the restaurant dahil back to work na ulit ito. 

He drove all the way to Tagaytay kung saan ang surprise nya para sa mag-ina nya. Nagtanong nung simula sina Parker at Karylle pero nginitian lang sila ni Vice at hindi nag sasalita. 

"Parker, I'm divorcing your dad if he doesn't tell us where we're going." sabi ni Karylle as a joke pero nakatingin ng nanakot kay Vice. 

"Mommy, nandun na tayo soon, isang oras na lang naman."

Karylle crossed her arms at nag huff, "Vice ha, baka ano na naman tong surprise na toh ha, kinakabahan ako!" 

"Karylle, I'll never do anything na ikapapahamak nyo noh."

"Daddy what's this?" sabi ni Parker ng makita ang isang box sa may tabi nya sa backseat.

"You want a turtle right Pogi?"

Napanganga naman si Parker dahil sa pagka surprise at niyakap ang daddy nya sa leeg since naka stop naman ang kotse. 

"Daddy!!! I'm really getting a turtle?!"

Tumingin din si Karylle kay Parker dahil naaliw ito sa pagkatuwa ng anak nya, "Of course baby... And don't forget, we're going to Child Haus tomorrow and throw them a party."

"I know mommy, I'm so excited!!!" sabi ni Parker at nag tatalon sa upuan nito.

-

Habang nasa byahe pa rin..

"Nakausap ko sina Anne kanina, pupunta rin daw sila bukas para tumulong." sabi ni Vice na nakangiti.

"Wow that's great!!! I'm glad makakatulong din sila, I'm sure matutuwa lalo ang mga bata." 

"Totoo yan."

"Thank you so much daddy sa pag asikaso sa lahat."

"K, this isn't enough... All this isn't enough sa dami ng pagkukulang ko sainyo ni Parker." sabi ni Vice at ngumiti sadly kay Karylle at napatingin din kay Parker through his rear view mirror. The kid has been asleep for half an hour now.

-

Vice took a left turn which led them to a newly built private estate in Tagaytay. Pagpasok palang sa estate ay parang nagka idea na si Karylle sa kung ano yung surprise ni Vice.

"Daddy, is this what I think-"

"Three minutes mommy." sabi ni Vice at kinindatan si Karylle. 

Karylle couldn't help but feel excited and nervous din at the same time habang nag d-drive sila lagpas ng mga newly built houses din sa estate. Hindi na namalayan ni Karylle na huminto na pala si Vice in front of a huge glass mansion. (Picture on the multimedia section. More pictures of house on the external link)

"Vice?"

Nag grin si Vice at tinapik sa binti si Parker para magising ito, "Pogi, come on, we're here."

Nagising naman agad si Parker at nag stretch sabay rub ng mga mata. Tumingin ito outside the window at nanlaki agad ang mga mata, "Daddy, where are we?"

Nag drive pa si Vice papalapit sa may gate ng bahay at agad naman silang pinag buksan ng security guards na nakabantay sa may bahay, "Good morning Sir Vice." bati nito at tiningnan din sina Karylle at Parker na amazed na amazed parin, "Finally kasama nyo na po sila, sir." sabi nito at ngumiti,

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon