We're Forever

33.5K 401 36
                                    

ANG NAKARAAN.. *echo* ANG NAKARAAN..  *echo* ANG NARAKAAAN

"Anne, I have a problem." sabi ni Karylle na nag cross ng arms nya at tumingin kila Vice to make sure na walang nakakarinig sa kanila.

"Problem? Is it to do with your cancer?"

"Yes... but not directly."

"Ha?"

"Buntis yata ako." 

--


Dahil sa nalaman ni Anne ay minabuti ng dalawa na i-confirm nga ang hinala ni Karylle kaya naman nag paalam muna si Karylle kay Vice na after Showtime ay sasama muna sya kay Anne para makapag catch up naman silang dalawa. Ang hindi alam ni Vice ay pumunta sa bahay nila Anne si Karylle after dumaan ng pharmacy para bumili ng pregnancy tests.

After 15 minutes ay lumabas ng banyo si Karylle na may hawak ng limang pregnancy tests. Tiningnan nya si Anne with a blank stare kaya naman lumapit si Anne sa mga sticks to take a closer look.

"Now what?" sabi ni Karylle na tumingin ulit sa pregnancy tests.

"K... I-" sabi ni Anne na umiiling at nag stutter, "Just tell Vice."

Tumango na lang si Karylle bago bumalik si bathroom para itapon ang mga pregnancy tests. Pagbalik nya sa room ay inabutan sya ng juice ni Anne at niyaya sya para maupo sa balcony.

"So..." sabi ni Anne at nag sip ng juice.

"I don't wanna talk about it Anne."

"It's a big deal K."

"I know." tumingin si Karylle sa malayo, "I know it's a big deal." sabi nya and then tumingin ulit kay Anne, "Kailangan muna naming mag usap ni Vice. Ayoko munang pag usapan."

"Whatever you want girl..." sabi ni Anne at uminom ulit, "Hey, I heard ini-imbita ka ng The Buzz for an exclusive interview ha?"

"Yeah... I guess they found out about my cancer." sabi ni K with a small smile.

"So gagawin mo yung interview?"

"Yeah... I know I don't own the public an interview dahil nga I chose to stay low profile na lang kaya nga nag quit na akong showbizness," sabi ni Karylle at uminom, "But I owe this interview to Vice... I want the public to know how good of a person he is, dahil there are still people out there na bina-bash sya for what he did years ago to me... Gusto kong makilala nila ang bagong Vice."

Natouch naman si Anne sa sinabi ni Karylle kaya napahawak ito sa dibdib nya bigla at nag pout, "Aww girl!" sabi ni Anne at nag lean forward para yakapin si Karylle, "I'm so, so happy for you!!!"

-.-.-.-.-.-

Around 5 PM ay hinatid na pauwi ni Anne si Karylle. Pagpasok pa lang ni Karylle sa pinto ay sinalubong na sya ni Vice.

"Mommy, tumawag na naman si Darla about dun sa The Buzz interview, gusto mo ba ako na kumausap para tigilan ka na nila?" sabi ni Vice na naka-akbay kay Karylle.

"Nah, don't worry about it Da, I'll do the interview."

"Really?"

"Oo..." sabi ni Karylle na ngumiti kay Vice, "But before that, I need to tell you something." sabi ni Karylle at sabay silang umupo ni Vice sa may sofa na katapat si Parker na naglalaro ng computer games sa laptop.

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon