Goodbye Boracay

41.4K 416 37
                                    

Pagkagising palang ni Parker ay nagtaka na sya dahil natulog syang mag isa at nagising din syang mag isa sa kama. Umupo sya sa kama at nag stretch bago mag rub ng mga mata para magising na talaga. He yawned sabay kamot sa ulo at pag tanggal ng comforter sa paa para maka baba ng kama. He swung his legs on the side of the bed at lumingon lingon na parang may hinahanap. Dahil sa may kataasan ang kama for him ay tumalon sya off it at hinanap ang tsinelas bago lumabas ng kwarto para mag imbestiga sa labas.

Paglabas ng kwarto ni Parker ay nakita nyang nasa tapat ng cooker si Vice at mukhang may niluluto. Nasa tapat naman ng ref si Karylle ay mukhang may hinahanap. Nung makita na ni K ang hinahanap nyang butter ay pumunta sya sa gilid ni Vice at kinuha ang sandok from him. Nalito si Parker sa mga nakikita nya kaya naman dahan dahan pa rin itong lumalakad papunta sa parents nya without them noticing him. 

"Mommy ako na!" sabi ni Vice na nakangiti at hinatak sa bewang si Karylle habang hawak ang sandok sa left hand nya.

"Ang kulit mo naman eh! Matatalsikan tayo sa pinag gagagawa mo eh." sagot naman ni K at tinanggal ang grip ni Vice sa bewang nya.

Di pa rin namamalayan ng dalawa si Parker na nasa likod lang at nakaupo na sa isang barstool against the counter, pinapanood lang sila ng bata na halata sa mukha ang pag pproccess sa mga nangyayari.

"Vice ako na!" sabi ni K na nakangiti at sinubukang agawin ang sandok from Vice. 

Umilag naman si Vice at dumila dito, "Anong Vice?!" 

"Daddy ako na!" natatawa at umiiling na sinabi ni Karylle, napangiti naman si Vice at binigay na ang sandok kay Karylle. Hinayaan nito si Karylle ang magluto habang nakatayo lang sya sa likod ni K. Yumuko si Vice at inamoy ang ulo at leeg ni K.

"Ang bango mo mommy." sabi ni Vice at nilagay sa isang side ang buhok ni Karylle. Umiwas naman si Karylle bago pa sya mahalikan ni Vice sa batok kaya naman napatalikod ito. Nagulat na lang si Karylle ng makita nya si Parker na nakaupo lang sa likod nila at nanonood.

"P-Parker?" sabi ni Karylle at binaba muna ang sandok at pinatay ang cooker para lapitan si Parker. 

"Morning mommy!" sabi ni Parker with a grin, then tiningnan si Vice with a grin too, "Morning daddy!"

Nung nakalapit na si Karylle kay Parker ay niyakap nya ito at kiniss sa pisngi, "Baby, how long have you been here?"  tanong ni K na nakangiti at tumingin kay Vice.

Tinitigan lang ni Vice si Parker with a grin on his face at naka cross ang arms habang nag hihintay ng sagot ng bata, nag smile back naman si Parker sa daddy nya, "What's going on?" sabi ni Parker na nanliit ang mata at nagbigay ng meaningful smirk sa parents nya.

Nilapitan ni Vice si Karylle at inakbayan ito, nagtinginan ang dalawa sabay ngumiti si Karylle na parang nahihiya, si Vice naman ay natawa na lang sa pagkakilig ni K kaya hinigpitan na lang lalo nito ang akbay sa fiancé bago tiningnan ulit si Parker, "We're getting married." 

Sa sobrang tuwa ni Parker ay napatalon ito off the barstool at tumakbo para yakapin ang parents nya. Habang nakayap si Parker sa bewang nina Vice at Karylle ay tiningnan naman ni Karylle si Vice at nag mouth ng 'Thank you' dito. Napailing si Vice with a smile tapos ay binuhat bigla si Parker.

"Why are you crying pogi?" sabi ni Vice na nagulat at nag pout sa bata, "Psst, stop crying." sabi ni Vice dito kaya lumapit din si Karylle dahil nag alala sa anak. She reached out para punasan ang luha ni Parker at kiniss sa ilong ang bata.

"Baby, don't cry na." sabi ni Karylle habang hinahaplos ang likod nito. 

"Aren't you happy for mommy and daddy?" sabi ni Vice na nakapout pa rin.

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon