It's You I Want

31.4K 347 44
                                    

It was around 10 am ng matapos ang appointment nila with Karylle's doctors. Pagkatapos kasi nilang maihatid si Parker sa school ng 9am ay dumiretso na sila sa hospital to meet with Karylle's doctor to confirm her pregnancy. Also to ask for tips and advice on what to do dahil hindi nga pangkaraniwan ang kondisyon ni Karylle. 

After ng appointment ay tahimik sila sa kotse habang nag d-drive si Vice. Walang nag sasalita sa dalawa at parang ina-absorb pa ang mga impormasyon na narinig nila from K's doctor. Saktong umuulan pa kayo lalong bumigat ang loob ng dalawa. 

"You're three weeks pregnant Karylle."

"I'm going to be straight with you Vice and Karylle, it's not going to be easy."

Napansin ni Karylle na kumunot ang noo ni Vice habang nag mamaneho kaya nagtaka rin sya sa kung ano ang iniisip ni Vice. Hindi na lang sya nagtanong dahil alam nyang pareho silang hindi maganda ang mood ngayon. Tinalikod na lang nya ang ulo nya at dumungaw sa bintana.

"I've handled a few cases like this before, sad to say, they terminated the pregnancy."

 

 

"Yes, I'm not saying na i-terminate nyo ang pagbubuntis ni Karylle. Ang gusto ko lang malaman nyo na very little ang chance of survival ng mag ina mo Vice."

 

 

"Pwede namang ipagpatuloy ni Karylle ang treatment nya, but this could cause even more complications to her and your unborn baby."

 

 

"I want to give you guys time to make a decision."

 

 

"Think about it together..."

 

 

"Ayokong dumating sa point na I would have to ask you the ever so painful question na, 'Si Karylle or ang bata?'"

 

*SCREEEEECCCHHHH*

 

"T*NGINA NAMAN O!" sabi ni Vice at napa-preno ng madiin. 

Tiningnan ni Vice ang kotseng nasa harap nya napa-preno na lang bigla, almost causing him to crash. Bumusina si Vice ng tatlong beses at hinampas ang kamay sa manibela na parang inis na inis.

"Vice, kumalma ka nga! Walang magagawa yang init ng ulo mo!" sabi naman ni Karylle na naiinis sa inaakto ni Vice. 

Hindi pinansin ni Vice si Karylle at lalabas pa sana ng kotse, hindi sya natuloy dahil hinatak sya ni Karylle sa braso at tiningnan ng madiin.

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon