Take Me Back To The Start

41.8K 460 49
                                    

“Bakit hindi ka makasagot ngayon?” sabi ni Karylle na nag cross ng arms at sumandal sa may counter habang nakatingin kay Vice. Vice rolled his eyes at tumango.

“You’re right… Kung ako ang nasa posisyon mo, hindi ko mapapatawad ang ginawa ko sa’yo. Napaka walang puso nung ginawa ko sa’yo eh… Alam mong hindi ako yun Karylle… Hindi ko alam ang nangyari…”

“That’s what I’m saying Vice. How do you expect me to accept your apology kung ikaw mismo nasusuklaman sa ginawa mo?”

“Chance… Pagkakataon ang hinihingi ko Karylle.”

“Parker isn’t enough?”

“I want a family.”

“Pwede kang magka-pamil-“

“With you!” pinutol ni Vice si Karylle at nilapitan na naman nito. Tinrap nya si Karylle sa pagitan ng dalawa nyang braso.

“Stop it!” sabi ni Karylle at tinulak si Vice na naiinis, “You always do this! Bakit ba lagi mong pinapamukha sakin na mahina ako against you? You always use your confidence. Your charm. Ugh!” sabay kamot sa ulo at tumayo opposite kay Vice, may namamagitan na sa kanilang counter ngayon.

“What about last night?” sabi ni Vice na binabalik ulit ang original topic nila.

“Diba sinabi ko na kalimutan mo na yun? It was nothing.” Sabay iwas ng tingin kay Vice.

“Wag mo kong china-charot Karylle.” Natatawang sabi ni Vice. Kahit kasi matagal na silang di nagkakasama ni K ay basang basa pa rin nya ito. Hindi naman kasi mahirap basahin si Karylle. Napaka transparent nitong tao dahil nga sobrang bait kasi.

“Bakit ba? Nag enjoy ka ba?”

“I should ask you that question, ikaw ang sober diba?” nakangiting sabi ni Vice.

“For your information, ah…” napalook down si Karylle para isipin ang sasabihin nya pero tinawanan lang sya ni Vice.

“K, wag na.. Okay lang. Alam kong nag enjoy ka.”

“I’ve had better.” Sabi ni Karylle dahil alam nyang maiinis at mag seselos na naman si Vice.

“Sino?” sabi ni Vice at nag harden ang mukha nya. Napataas kilay naman si Karylle with a smirk dahil she was right.

“Gusto mong i-describe ko pa ang nangyari?” hamon ni K.

“Kaya mo?”

“Oo naman… Kaya mong marinig?”

Binigyan sya ng serious look ni Vice, “Stop.”

“Thought so.” Sabi ni K at nag shrug triumphantly.

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon