It's Showtime

36.3K 408 42
                                    

It's time...

This is it...

It's showtime!


"Please welcome, ang namiss natin, the reigning Box Office Star, the unkabogable, Vice Ganda." Tito Boy said at sabay tayo at pumalakpak kay Vice na nakaupong naka cross ang legs. Napa smirk naman si Vice sa reaksyon ni Tito Boy at ng audience sa studio. 

"Tito Boy, sobra naman po." sabi ni Vice at pinaupo si Tito Boy.

Nang makaupo na si TIto Boy ay inayos nito ang mga cue cards na hawak at parang hindi makapaniwala sa kaharap nyang Vice ngayon. Naka slight nganga lang ito at titig na titig kay Vice.

"Aba Tito Boy, wag nyong sabihing naiinlove na kayo sa'kin." says ni Vice na pabiro sabay lean back sa upuan at nag ayos ng buhok na parang nag papa pogi.

"Naninibago lang talaga ako Vice, I'm sorry, hahaha." sabi ni TIto Boy at inayos na ang upo na parang nag p-prepare na sa interview, "Ready ka na ba?"

"Kayo Tito Boy, ready na ba kayo?" tanong ni Vice at sabay tawa.

After magtawanan ay nag dim naman ang lights studio kaya natahimik na si Vice at nag clear ng throat. 

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa sa mga tanong ko kaya didiretsuhin na lang kita..."

Napalunok si Vice sa sinabi ni Tito Boy at nag nod na lang na nakangiti.

"Question number one, saan ka nanggaling last week? Balita namin kasi last week pa dapat ang balik mo sa Showtime... Bakit na-post poned?"

"Una sa lahat Tito Boy, gusto ko ho sanang bumati sa lahat ng ating mga madlang pipol na nakatutok sa interview ko ngayon, maraming salamat po sa paglalaan ng inyong oras para mapanood ako ngayon... Pangalawa, salamat sa The Buzz for inviting me to guest here today..." sinimulan ni Vice na nakangiti.

"Well it's our honor to have you here Vice, you know that."

"Thank you ho..." sabi ulit ni Vice at kumaway sa staff ng The Buzz na nakaupo sa sahig behind the cameras, "Tungkol naman sa tanong mo Tito Boy... Last week, nasa Boracay po ako. Yes, dapat last week pa ang pagbabalik ko sa Showtime pero nag request ako na i-move na to this week dahil nga nag bakasyon ako ng biglaan sa Bora last week."

"Right, so ano ang dahilan ng biglaang bakasyon mo?"

"Personal matters Tito Boy." sabi ni Vice with a small smile.

"I'm sure alam mo na marami ng nag leak na pictures ng Boracay trip mo na yan... You were in Boracay kasama ang isa pang dating Kapamilya artist. I want it to come straight from you Vice, sino ang kasama mo sa Boracay last week?" tanong ni Tito Boy na nakapatong ang baba sa kamay nya at naka lean forward sa upuan nito para malapit sya kay Vice.

Napatingin muna sa floor si Vice at napausog towards the edge of his seat. Tumingin sya sa audience habang hinahaplos ang kanyang batok bago tiningnan si Tito Boy.

"Vice?"

"Si Karylle po. I was with Karylle last week sa Boracay." sabi ni Vice na at lumunok ng malalim.

"So confirmed ang mga leaked photos na kayo nga yun... Speaking of Karylle, hindi lang naman sya ang kasama mo dun... Her little boy was with you din diba? Parker Tatlonghari?"

"Yes, kasama po namin si Parker Tito Boy."

"Ano ang namamagitan sainyo ni Karylle?"

Ngumiti si Vice, "Hindi na po ako magpapa tumpik tumpik pa Tito Boy... I'm... I'm in love with Karylle."

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon