No Place To Fall

37.3K 404 38
                                    

Pagkatapos makita ni Vice si Karylle na takot na takot sa loob ng banyo ay ipinasok nya na ito sa kwarto at pinilit na magpahinga. Inihiga nya ito sa kama ng dahan dahan at kinumutan. Minulat ni Karylle ang isang mata nya na namumula pa rin dahil sa pag-iyak. Pinunasan naman ni Vice ang natitirang luha sa mga mukha ni Karylle sabay hinaplos ang noo nito at tinakpan ang mata ni Karylle para ipikit ito.

"Matulog ka na..." sabi ni Vice bago yumuko para halikan ang noo ni Karylle, "I love you... So much."

Niyakap naman ni Karylle papalapit si Vice. Nakaupo pa rin si Vice sa kama at nakasandal sa headboard ang ulo. Ipinatong ni Karylle ang ulo nya sa lap ni Vice habang nakayakap sa bewang nito. Pinatay ni Vice ang lampshade kaya naman ang ilaw lang na nanggagaling sa bintana ng kwarto ang nagsisilbing ilaw sa kwarto habang natutulog si Karylle. Hinimas ni Vice ang likod nito habang nag hu-hum ng isang tune na pamilyar sa kanilang dalawa. Buko.

Kung inaakala mo na ang pag-ibig ko’y magbabago... Itaga mo sa bato...Dumaan man ang maraming pasko...Kahit na di mo na abot ang sahig...Kahit na di mo na ‘ko marinig... Ikaw pa rin ang buhay ko..."

Imbes na maiyak ulit ay pinigil nalang ni Karylle ang mga luha nya at hinigpitan na lang nya ang yakap kay Vice.

"Wag ka ng iiyak ha, pag umiyak ka iki-kiss kita."

Narinig naman ni Vice na nag chuckle ng mahina si Karylle sa sinabi nya kaya ngumiti ito at nagpatuloy sa pag hu-hum ng kanta for Karylle habang hinahaplos pa rin ang likod nito.

-

Di na namalayan ni Vice na nakatulog na pala si Karylle after ng mga ilang minuto. Hindi naman sya gumalaw at tinitigan lang na natutulog si K. He softly placed a kiss on her cheek and then closed his eyes. Nalipat naman ang kamay nya sa likod ni Karylle sa may tenga nito at ang earlobe naman ni Karylle ang hinaplos.

Wala pang isang oras na nakatulog si Vice ay nagising ulit ito dahil sa pag turn ni Karylle na nakahiga pa rin sa lap nya. Nakita ni Vice ang pagka uncomfortable nito kaya't binuhat ang ulo at pinatong na sa unan. Napa-sigh naman si Karylle kahit na tulog pa rin at nag turn sa side kung saan nakahiga si Vice. Dahil nga nangawit na si Vice sa pag upo ay humiga na rin ito next to Karylle and hinarap si K.

Hindi na sya nakatulog pa buong gabi. Siguro blame sa fact na kinakabahan sya sa pagbabalik nya sa Showtime, pero alam nyang hindi naman toh dahil lang dun. Mas malaking dahilan ay yung nakita nyang nag breakdown si Karylle dahil sa takot nito harapin ang sakit nito.

"You. Are. Not. Leaving. Me." sabi ni Vice pabulong habang kaharap pa rin si Karylle.

"I won't." sumagot naman si Karylle na ikinagulat ni Vice. Minulat ni Karylle ang mata nya and ngumiti kay Vice, "I promise, hindi ako mawawala sa'yo." 

Lumapit naman si Vice kay Karylle at hinatak ito sa bewang sabay hinalikan ang tip ng ilong nito.

"I'm sorry you had to see that last night," nahihiyang sabi ni Karylle na di man matingnan si Vice sa mata. Vice frowned and lifted her chin up para makita ang mga mata ni K, "I was scared Vice... You have no idea how relieved I am now dahil nandito ka."

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon