Braveheart

36.2K 377 38
                                    

As soon as natapos ang pagkanta ni Vice ay nag si-sugod ang mga hosts sa stage at sabay sabay syang dinumog. Nag group hug silang lahat na nasa gitna lang si Vice na naipit kaya naman tawa ito ng tawa. After ng group hug ay pumunta sa blocking nila ang mga hosts. Left to right: Eruption, Juggy, Teddy, Kuya Kim, Vhong, Anne, Vice, Billy, Ryan, Coleen and Jhong. Naka-akbay naman si Billy kay Vice habang bumabati sa madlang pipol sina Vhong at Anne.

"And of course madlang pipol... Ang nagbabalik naming kapatid... Vice!" sabi ni Vhong at pinalo ng mahina si Vice sa shoulder at tumawa, "Bumati ka naman Vice Pogi!"

"Ang taray ng new screen name!" sabi ni Anne na tumatawa.

"ISANG SAKSAKAN NG POGING TANGHALI SA INYO MGA NAMISS KONG MADLANG PIPOL!!!!" sabi ni Vice na pasigaw at punong puno ng energy. 

"VICE! Sobrang namiss ka namin dito brad! May gusto ka bang batiin dyan?" sabi ni Vhong na nag hi-hint sabay smirk sa direksyon ni Vice.

"Uy batiin mo na fiancé mo!" sabi ni Kuya Kim na nag chuckle at inabot ang kamay ni Vice para makipag shake hands, "Congrats nga pala sainyo!"

"Kuya Kim talaga! Hahaha, alam na, may ninong na kami!" natatawang sagot  ni Vice at niyakap si Kuya Kim. 

Bumalik si Vice sa pwesto nya at napakamot bigla sa ulo, "Ahh.. Mommy..." sinimulan ni Vice at nakatitig sa camera, "Hindi ko alam kung nanonood ka ngayon, pero-"

"Nanonood sya Vice, kaka-tweet lang..." sabi ni Teddy at pinakita ang tweet ni Karylle kay Vice, "Sabi o, I'm so proud of you! I love you!  Asus!!! Naks naman!" sabi ni Teddy at sinuntok lightly si Vice sa braso nito, "Wala syang tinag so baka hindi rin para sa'yo yan..." 

"Ah ganun Teddy?"

"Joke lang joke lang! Hi K!" bati ni Teddy at kumaway sa camera.

"Batiin mo na Vice!" push naman ni Juggy na nag tatatalon na naman sa spot dahil sa sobrang kilig at excitement nya.

"HELLO K!!!!!!! LOVE YOU GURL!" sumingit naman si Anne at ngumiti sa camera.

Finocus sa camera si Vice na halatang kinikilig dahil sa pamumula nito bigla.

"Hoy Viceral! Ang arte!" sabi ni Billy at tinulak ng konti si Vice para mag step forward, "May pa Without you Karylle ka pa dyan tas biglang hiya? Hahaha."

"Kurba!!!" sabi ni Vice at nag grin lang ng matagal sa camera, nganga naman na nag hihihtay sa sasabihin pa  ni Vice ang mga co-hosts nito at pati na rin ang madlang pipol. 

"Mommy, I'll see you later? Ingat ka dyan." Vice said shortly.

Kinurot naman sya bigla ni Anne sa bewang at nag frown sabay tawa, "Ayun lang??? After mo mag emote dun?!"

"Ba't ang demanding nyo? Yeng tetee?" sabi ni Vice sabay tawa... Humarap ulit ito sa camera at naging seryoso naman ang mukha.

"Mommy, thank you for letting me in sa buhay ng anak natin, sa buhay mo.. I promise to never let you down again. Mahal na mahal kita," sabi ni Vice at napahawak sa may dibdib nya bigla, "We'll get through this. Kaya natin toh!" 

After magsalita ni Vice ay nag hiyawan naman ang mga madlang pipol at napa-aww ang mga co-hosts nito.

"Welcome back Vice!" sabi ni Anne at nag initiate na naman ng group hug.

-.-.-.-.-

After ng Sine Mo 'To ay nag paalam si Vice kay Direk para masundo nito si Parker sa school. Nagmadali syang umalis at bumalik para maka-abot sa next gap, mabuti na lang ay malapit lang ang school ni Parker sa ABS kaya naman naka-abot pa si Vice kahit papano. It was Tandang Pananong segment na kaya naman habang nag hihintay ng cue for airing ay naglalaro muna sila ni Parker sa gilid ng stage.

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon