[Special Chapter] Christmas Special

22.7K 371 55
                                    

This was their fouth Christmas celebration without Parker, the year was 2024. 

For this year, since na-accept na naman ni Karylle ang pagka wala ng anak at parang naging back to normal na din ang pamilya nila. Well, as normal as it could get. Hindi naman madali na kalimutan yung nangyari. Unlike the past three years na nag celebrate sila sa bahay ng pamilya ni Vice or sa bahay ng pamilya ni Karylle, this year, they decided to celebrate Christmas sa sarili nilang bahay. Silang tatlo kasama ang mga close friends nilang hindi sila iniwan, sina Billy, Vhong at Anne. Syempre kasama naman ng tatlo ang respective partners/asawa at mga anak nila.

Billy, after four years ay nakipag balikan at nagpakasal na sa long time girlfriend nito na si Nikki Gil. The two are living happily sa US, umuwi lang sila para makipag celebrate sa Viceral's at mag spend din naman ng New Year kasama ang pamilya ni Nikki. Si Vhong naman ay kasal na rin sa non-showbiz girlfriend nito at nag e-expect na naman ng bagong anak. Si Anne ay kasal na rin for 2 years kay Erwan. They have a one year old daughter na rin which they named Darlene Jade. 

3 PM pa lang ay abala na sa pag luluto si Karylle kahit na sinabi naman ni Vice dito na wag masyado ma-stress sa pag luluto dahil konti lang naman sila at mag dadala naman ng mga pagkain ang mga bisita nilang pupunta. Galing sa supermarket si Vice kasama si Hopia na may dalang carrier bags para sa mga ihahanda nila tonight.

"Mommy, we're back!" sabi ni Vice at naabutan sa kusina si Karylle na naka apron, messy bun at nakatapak lang.

Nilapitan ni Hopia ang mommy nya at nag tiptoe para makita kung ano ang niluluto nito, "What's that?"

"How's your trip to the supermarket baby?" tanong ni Karylle na nag stop muna sa pag hahalo ng pasta sauce at binuhat ang anak nya. 

Lumapit din naman si Vice sa mag ina nya at tiningnan ang apat na kawali at kaserolang nakasalang ngayon sa cooker. Napakamot sa ulo si Vice kaya naman tiningnan ito ni Karylle, "May problema daddy?"

"Diba sabi ko naman sa'yo na wag ka magpaka pagod sa pagluluto." sabi ni Vice na natatawa.

"Hey, bumabawi lang naman ako... Ang tagal ko na ring hindi nakakapag luto ng ganito." sabi ni Karylle habang pinapatikim yung pasta sauce kay Hopia.

"Is this for the spaghetti mommy?"  sa tanong ni Hopia ay tumango naman si Karylle.

"Patikim nga." sabi ni Vice na aagawin sana kay Karylle yung spoon, pero hindi siya hinayaan ni Karylle at nag smirk lang sa asawa, "Aba, misis, bakit ayaw mong try ko?"

"Hindi pa sya ready." sabi ni Karylle na may kislap sa mga mata nito.

"Ganyan yan, favoritism." sabi ni Vice na kumunot ang noo.

Natawa naman pareho sina Karylle at Hopia, nag pababa na si Hopia at tumakbo naman ito sa living room para maglaro muna. Si Vice naman ay nakatayo parin sa kusina kasama si Karylle na tinutulungan ang asawa.

"Adobo?" sabi ni Vice nung makita yung sangkap para sa gagawing adobo ni Karylle.

"Yeah... Favorite mo.... Favorite din ni Parker." sabi ni Karylle na imbis na sumimangot ay ngumiti.

"I miss that kid." sabi ni Vice at inakbayan si Karylle at hinalikan ito sa temple.

"Kaya nga eh, wala ng kasing takaw mo tuloy dito sa bahay" natatawang sabi ni Karylle.

Napatingin naman sa kanya si Vice na parang may iniisip, "Gusto mo gawa tayo ng bagong baby?"

"Ewan ko sa'yo Vice." sabi ni Karylle at nag pull away sa akbay ni Vice. Kinurot nya rin ito sa bewang at umiling na natatawa.

Castle Walls | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon