Meet the Luckiest Wife

53 0 0
                                    

Alex

I am Jhohanna Alex Bitangcol. I'm nineteen years old and forever single. Never been kiss and never been touch. No bf since birth. No suitor since birth din. Most of all, crush ko lang naman si Ej since birth. Char! Joke! Crush ko siya ever since nagkilala ko siya bilang amo.  I'm 5 ft and 5 inches and may bigat na 45 kilograms. I would say that I am thin, tall and slender. Never din akong tumaba since birth. Lagi akong nasasali pag may feeding program.


Nung bata ako, nakilala ko si Mrs. Conant sa probinsya. She was one of the sponsors of a certain orphanage malapit sa lugar namin. Nagpapart time job ako noon sa orphanage nung elementary. Then, Mrs. Conant decided to sponsor my studies kasi daw nakita daw niya ang kasipagan ko.


Pinatira ako ng Misis sa poder nito. Pinakain and pinaaral kaya naman kapalit ng kabutihan nito ay pinagsilbihan ko siya bilang personal alalay sa lahat ng bagay. Pero kahit na ganun, hindi nito pinaramdam sa akin na iba.


A day before..


"Alex, sa tingin mo ba magugustuhan mo ang anak ko?" Nagulat na lamang ako ng bigla-biglang itinanong ni Mrs Conant ang bagay na ito. Mag-iisang taon na nitong pinipilit ang anak na mag asawa na. Gusto daw nitong masiguro na lumagay sa tahimik ang anak at makita pa ang mga future apo nito.


"Po?" Sa gulat ko'y wala akong nasagot na matino.


"Ano ba ang tipo mong lalaki, Alex?"


"Ah eh. Hindi ko pa po naiisip yan, Maam." Napakamot ako sa aking batok. Kinakabahan kasi ako sa mga tanong nito.


Napangiti ito sa akin at mataman sakong tinitigan, "Hmmm. Mabait kang bata, Alex. Responsable at selfless. Gusto kita para sa anak ko, pinagdadasal ko nga na sana magustuhan ka niya. Sigurado akong maswerte siyang lalaki pag nagkaganun."


Napatanga na lang at ilang beses na napalunok. Hindi na ko umimik, ano ba naman ang sasabihin ko? Hindi ko alam kung uuyon ako sa pananaw nito o sasalungat nga ba? Abaayyy ewan!


"Alex, wala akong iniisip na kapalit ng pagtulong kong ito sa yo. Everything I provided to you won't be a waste. You're a good person. Your future husband would be so lucky."

****


Napailing na lamang ako sa mga naaalalang tagpo. Alam kong ito ang gusto ng ginang na mangyari, ang makasal ako sa anak niya.


"Ikaw na lang kaya pakasalan ko!"


Ilang beses ding umalingawngaw ang mga katagang ito sa utak ko. Pano ba naman nasabi ng lalaking yun ang ganitong bagay. Joke lang ba? Gawin ba naman joke ang pag aasawa. Tini-trip kaya niya ako. Ba't naman niya gagawin yun? Nakakakaba ang reaksyon ng Misis. Brilliant idea daw. The F.


Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko. Kaba, kasi natatakot ako sa reaksyon ni EJ. Excitement, syempre! Sino ba naman di ma excite pag ganun kagwapo magiging asawa mo. Crush ko pa. Kaya nga hindi ako komportable pag lumalapit ang anak ng amo ko sa akin eh.

Your Crush is My HusbandWhere stories live. Discover now