Part Seventeen

17 0 0
                                    

Precious


"What was that?" Nagulat talaga ako sa nadatnan kong eksena. Si Alex at ang idol kong si Ej nagyayakapan. Ang mga katulong naman parang wala lang nakitang kakaiba sa mga ito.


Naguguluhan talaga ako sa nakita ko. Here we are in the garden. This girl really needs to explain to me everything.


"Im sorry. Wala akong sinabi sayo."


Mahina ang boses nito na parang nakokonsensiya. Dapat lang. Naglilihim pala ang babaeng to sakin.


"What are you saying? Why? Is there anything I need to know about you and Ej?" Naiirita na talaga ako sa kaibigan kong 'to. After all pala ng lahat ay magtatago ito ng sekreto sa kin.


Napatango lamang ito. Guilty ang pagmumukha.


"So?" Naiinip na ako. Gusto ko nang malaman ang lahat.


I actually visited her dahil namimiss ko ito. Hindi man lang ako nito sinama sa pag uwi nito sa probinsiya kaya't medyo nagtatampo ako but here is another secret na naman.


"Ikakasal na kami 3 weeks from now." She is now looking at me with worried eyes.


Wala sa loob na naipaypay ko ang aking dalawang kamay dahil natetensyon ako sa mga sinasabi nito. Anong ikakasal?


"Wait? Are you kidding ME!!!?" Nagiging OA ako pag nagugulat. Hindi ko napigilang mapasigaw.


"Seryoso 'to. Hindi ako--"


"You and Ej? Are you---". Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya ginalaw ng walang hiyang lalaking yun ang bestfriend ko.


"What did he do to you? Did he abuse you? Hindi mo kailangang magpakasal. We can sue him. And put him on jail." Nataranta ako sa dami ng konklusyon ko sa utak. Kasi naman ang hina ng bestfriend kong 'to. Kung nag aral lang to ng self defense eh na naprotektahan nito ang bandila ng Pilipinas.


"Bitch, ang OA mo na."


"Anong Bitch!! Linya ko yan. Wag mo nga akong pagtawanan coz Im dead serious here."


Naging seryoso na rin ito. Nagsimula itong sabihin sakin lahat ng nangyayari. Kaya pala nagiging tulala ito these past few days dahil sa pressure nito sa mag inang amo.


Kumalma na ako. Niyakap ko ang kaibigan ko. Ewan ko ba pero napangiti na ako matapos kong malaman ang lahat. I feel envious towards her. Ang swerte naman nito.


"Hindi ka ba galit?" Natawa na ako dahil sa sinabi nito.


"Of course, I'm not. Why should I get angry? Masaya ako para sayo, bitch. Hope ingatan mo ang crush natin." Magkahalong paghihinayang naman talaga ang maramdaman ko. Syempre, nainggit ako dito. Pero masaya para dito. Mukhang magaling din palang mamili ng babae si Ej.

Your Crush is My HusbandWhere stories live. Discover now