Part Tweenty Two

21 0 0
                                    

Alex

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa lahat ng sinabi ng pari isa lang ang nag sink in sa aking isip.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Syempre, eto na ang moment na hinihintay naming lahat. Ewan ko ba kung bakit nagawa ko pang ngumiti. Ganito pala ang kinakasal. Halo halo ang nararamdaman. Napatingin ako sa mga magulang at kapatid ko.

Nakangiti sila. Masaya sila para sakin.

"Wife, can I kiss you now?"

Namula ako sa tanong ni Ej. Napatango na rin ako. Required talaga mag kiss in front of the public.

Parang nag slow-mo lang. I see his face smiling while it slowly get near me. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, walang pang ilang segundo naramdaman ko na ang pag angkin nito sa aking mga labi.

His lips move and I do the same. I can feel his arms wrap around my waist holding it tightly. Ang hiyawan ng mga bisita ang nakapagpagising sa aming diwa.

"Saved it for the honeymoon, bro!" Kantiyaw agad ni Jif.

Humarap kami sa mga tao and the flower girls shower us with flowers.

Naglakad kami sa aisle. People started to congratulate us. Lumapit naman ang pamilya ko saka niyakap ko sila isa isa.

"Congratulations!" Tinapik tapik ni kuya ang balikat ni Ej. "Bayaw, ingatan mong kapatid namin!"

Hindi ko napigilang maging emosyonal sa sinabi ni Kuya. Pinamigay na niya ako ngayon sa asawa ko.

Nagsimula ng magkislapan ang mga camera matapos kaming i- congratulate ng lahat. Photoshot will be the next activity.

Halos isang oras din natapos ang mga pa selfie at groufie. Its 5pm at magsisimula ang program sa reception area by 6pm.

Nagtuloy tuloy ang mga bisita sa mga cottage area. Mag o-overnight ang halos sa mga bisita namin sa resort nina Ricardo. Inalalayan naman ako ni Precious at ng asawa ko papunta sa cottage namin. It was the most luxirous cottage amongst others. Pang dalawahan nga lang ito.

Maganda at kulay green din tulad ng bahay nina Ricardo. Paborito siguro nito ang kulay na green. Pareho kami. Katabi ng cottage namin ay ang private resthouse. Walang umukopa dun kundi ang pamilya ni Ricardo. May malaking kwarto ito sa ground floor kung saan si Precious at ang mga kapatid kong babae ang di sanany uukopa.

"Ganda mo, bitch!"

Nasa loob na kami ng kwarto. Inalalayan ako ni Precious dahil sa sobrang haba ng gown ko. Nahirapan akong maglakad. Hindi pa naman ako sanay magsuot ng high heeled na sapatos. Sumasakit na ang mga paa ko at kanina ko pa gustong gusto hubarin ito.

"Mas maganda ka pa rin." Ganti ko naman dito. Totoo naman talagang kahit wala itong make up ay mistisahin ito.

"I know right! Pero dahil kasal mo 'to, so im giving you the chance to win the crown. Ikaw na maganda." Humalakhak pa ito. Talagang ayaw magpatalo.

"Lets change outfit na, girl."

Mula sa banyo biglang lumabas si Ej na noon ay suot lamang ang long sleeve at nakalaylay na neck tie. Ngumiti lang ito sa amin. Halatang naghilamos ito at nag toothbrush. Amoy na amoy kasi namin ang aroma ng mabangong menthol toothpaste na ginamit nito.

"Ang gwapo talaga ng asawa mo, bitch!" Bulong ni Precious sa kin.

Overlooking ang terrace ng cottage sa tanawin ng dagat. Lumabas si Ej doon habang nasa tenga nito ang iphone.

......

Mga alas sais nang magsimula ang program sa reception area. Hindi gaanong maraming tao ang imbitado. Ang mga investors ng EJU, at mga pinagkakatiwalang opisyal lamang ang nandun maliban sa mga kapamilya namin.

Pagsapit ng alas nuwebe y medya ay isa isa nang nagsipag uwian ang mga tai maliban sa mga umuukopa ng mga cottage.

Napagpasyahan ng kuya ko na manatili sa iisang cottage dahil ang kambal ay hindi comportableng makasama ang maarti kong kaibigan. Kita kong nanlumo si Precious nang malamang mag-iisa siya mamayang matutulog.

Kasalukuyan kaming nasa rest house ni Ricardo. Magkatabi kaming mag asawa sa sofa. Sa harap namin ay mga ibat-ibang klase ng inuming inihanda ng barista ni Rick. Meron kasing mini bar ang resort.

"Bitch, can I sleep in your cottage?" Binatukan ni Jif si Precious nang magbirong matutulog ito sa cottage namin.

"Joke lang!" Sinimangotan kaagad nito ang kabarkada ni Ej.

Napansin kong sa lahat ng kabarkada ni Ej ay si Rick lang ang hindi kakulitan ni Precious. Ang kambal na Jif at Jefferson ang madalas nitong makausap. Si Rick naman kapag nasasali si Precios sa grupo ay parang umiiwas at hindi nakikisali sa usapan.

Baka hindi lang talaga magkasundo ang dalawa.

Nagsimulang mag inuman ang magbabarkarda. Si Precious na alam kong hindi malakas ang tolerance ng alak ay ngayoy nakasalampak ang ulo sa armrest.

Sumisigok sigok na ito pero dahil nalasing kayat panay ang daldal at hindi maawat sa kakatagay.

"Ihahatid ko na muna 'tong si Precios. Lasing na lasing na eh!" Pilit kong hinihila ang walang lakas kong kaibigan. Nakakahiya na kasi ang kadaldalan nito.

"Alex, dont worry we can handle her. You may now go, newly weds." Agap ni Jif. Kinantiyawan na naman kami ng mga ito.

"Anu ba? Kj mo, bitch! Im not yet drunk!'

Napailing ako't pinilit itinayo si Precious. Inakay ko ito. Wala akong tiwala sa mga kaibigan ni Ej lalong lalo na tong kambal.

"Hindi. Kaya ko na 'to." Pero tinulungan naman agad ako ni Ej. Binuhat nito si Precious na ngayo'y tuwang tuwa dahil ang dakilang crush nito ang bumuhat sa kanya. Akay akay niya ito habang binaybay namin ang kwarto ng kaibigan ko.

"Ui pogi! Pa-kiss naman!"

Namula ako sa inasal ni Precious. Haayy diyos ko.

Nagkatinginan kami ni Ej. Halikan ba naman nito ang asawa ko sa magkabilang pisngi at may pahabol pang smock kiss sa lips.

Binuksan ko ang kwarto at pinapasok si Ej habang akay pa rin ang lasing na babae. Nilapag nito ang nagkukulit pa ring si Precious. Inamoy amoy nito ang asawa ko.

"Shit!" Napabulalas si Ej dahil sumubsob ito sa kama nang hilahin ni Precious palapit. Agad naman itong lumayo at inayos ang sarili.

"P-pasensiya kana." Ako na ang nag sorry in behalf sa lasing kong kaibigan.

"No problem. This is much better than leaving her to those three. They wont stop drinking til they consume all the drinks." Napailing na lang ito.

Nakaupo ako sa paanan ng kama nang biglang tumayo si Precious. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong maghubad ng damit. Agad kong tinakpan ang mga mata ni Ej. Tumalikod naman ang lalaki habang nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa mga nito.

"God, your friend is getting crazy when drunk."

Tinulak ko ang lalaki palabas ng kwarto.

"Hindi ko alam na ganito siya malasing. Cge na, aasikasuhin ko muna si Precious. Susunod na lang ako."

Lumabas na ito ng kwarto. Napasabunot ako sa buhok ko ng pagmasdan ang itsura si Precious. Nahubad na nito ang dress na suot. Tanging underwear na lang ngayon ang saplot nito.

Iinom inom, di naman pala kaya.

Your Crush is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon