Part Eight

22 0 0
                                    

Alex



Pagkapasok namin ni Preciuos sa dressing room ng backstage agad akong inulan ng tanong nito. Pero ni isa wala akong masagot na matino. Hindi kasi matino ang kausap ko eh. Kanina paulit uli ang mga katagang, Oh my God! Oh my God! Tsaka maghuhugis puso ang mga mata nito.




"Precious, pwede ba kanina ka pa jan eh." Simisilip ito sa backstage kung saan nagpe-perform sa kalagitanaan ng performance ang banda. The crowd is shouting thier names with I love You's.




"Shhh.. Minsan lang mangyari to, bitch. Abot kamay ko na ang mga dakilang gwapo." Nagtitili na ito kagaya ng mga audience. Parang nababaliw na nga dahil may flying kiss pang kasama ang mga kaway nito sa grupo. 



Naambunan din ito ng swerte dahil pagkatapos ng performance ng Aries5 ay siguradong doon mamalagi ang grupo sa kanilang dressing room. "Hey! C'mon. Samahan mo akong mag cheer. 'Nu ka ba? Para namang hindi mo rin crush si Ej eh".




Naubo ako sa sinabi ng kaibigan. Anu daw? Crush ko rin si Ej?




"Sus, you can hide it to everyone but not to me, bitch!" Sabay kindat at hila sa akin para sumilip sa mga idol niya.




"Wala akong crush sa kanya no!"




"Wala na. Buking ka na! Lokohin mo lelang mo." At muli na naman itong naghihiyaw sa banda.




Papatapos na ang number ng bandang iyun. Alam ko ang flow ng performance kaya agad kong hinila si Precious pabalik sa dressing room. "Tara na."




"They're not done yet." Ayaw pang papigil ng kaibigan.




"Precious, sa dressing room natin sila hintayin. Tara!"




Nagliwanag ang mga mata nito, "Oo nga noh! Let's go."




Wala pang limang minuto ay narinig ko na ang pagtatapos ng performance ng banda nina Ej. Humingi sila ng 20 minute break para sa audience. Naririnig namin ang mga nagkakasayahang membro. Pumasok sa loob sina Ej at ang mga kasama. Ngayon ko lang napansin ang isang alalay na may dalang mga damit, may mga make up artists din itong kasama. Dahil dalawa ang dressing room ng backstage, nasa kabilang kwarto ang mga lalaki. Ang inoukopa namin ni Precious ay ang pambabaeng kwarto.

Your Crush is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon