Part Fourteen

16 0 0
                                    

Alex


Maagang maaga ang flight namin papuntang Dumaguete City. Oo, you read it right. Flight namin. Kasi hindi ako nag-iisa. Namumukhang turista ang kasama ko. Pinagtitinginan ito ng ibang pasahero sa airline.


"Sshhh. Stop it. People will recognize me. Baka magkagulo."


Nakaupo na kami sa aming pwesto. Nakasuot ng shades si Ej, at hinihilig ang ulo sa aking balikat. Kanina pa ako nagrereklamo dahil naglilikot ito sa aking tabi.


"Oo na. Wag mo kong kinikiliti." Reklamo ko dito.


Nang magpaalam ako sa ginang na umuwi, pumayag agad ito sa kondisyong isasama ko si Ej. Eto pa mismo ang ngbigay ng pamasahe sa kin. Pinaalam ko na lamang sa kuya ko ang naging desisyon ng ginang pero ang di nito alam ay ang dala dala kong surpresa. Surpresa ba to o sakit ng ulo?


Mula ng pumayag siyang magpakasal dito ay nag iba ang trato nito sa akin. Naging touchy ito masyado. Eto nga at kanina pa sumisiksik sakin kahit malaki naman ang space ng mga upuan. Dahilan nito ay baka mapansin daw sila ng mga tao. Pero tingin ko naman mas napapansin sila dahil sa ginagawa nito.


After 45 minutes ay lumapag na ang eroplano. Nakaakbay sa kin si habang hila hila nito ang aming bagahe. Nakasunod naman sa amin ang dalawa pang maleta. Mula sa mga nagkukumpulang mga tao, natanaw ko ang aking kuya. Kumakaway ito sa'min.


"Kuya!" Napakaway ako ng makita ko si kuya. Nakangiti itong lumapit sa min.


Agad namang bumitaw sa pagkakaakbay si Ej sa kin ng matanaw nito ang aking kapatid. Nang makalapit kamiy nagyakapan kaming dalawa.


"Sino yan?" Binulungan ako ng kuya ko. Mukhang hindi ito natuwa sa nakita. Over protective kasi ito lalong lalo na saming magkakapatid na babae.


"K-kuya, si Ej po." Pinakilala ko na lang ito sa kuya ko. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin. Dapat ko bang sabihin na ikakasal na ako? "Ej, siya ang Kuya Lester ko."


Agad nakipagkamay si Ej sa kuya ko. Malapad ang ngiti nito. Mukhang hindi man lang kinabahan na makaharap ang kuya.


Napakunot ang noo ng kuya kong napatingin sa akin. "Jone, hindi lang naman yan ang tinatanong ko."


Kuya kasi wag ka nang magtanong. Nagsusumamong nakatiti lang ako sa kuya ko. Hindi naman nito ma-gets ang nais kong ipahiwatig.


"Ehemm." Narinig kong napatikhim si Ej kayat napatingin dito si Kuya. Kinakabahan ako sa sasabihin nito. "I'm her boyfriend. I'm sorry, bro medyo hindi niyo ata inaasahan na sasama ako kay Alex."


Jusko! Mas lalo akong natakot sa reaksyon ni Kuya. Artista yan Kuya, wag niyong gagalusan ang pagmumukha niyan. Kahit mag callboy kapa ,kulang pang pambayad sa pang facial niyan.


"K-kuya. Uwi na tayo." Yaya ko dito. Siniko ko si Ej para sabihin ditong hindi na siya dapat magsalita. At ako na ang bahala sa lahat.


Titig na titig sa akin si Kuya pero alam kong ang mga mata nito ay nagsasabing, Mag uusap tayo pag uwi sa bahay.


Bago ako sumakay sa sasakyan, hinawakan ko muna si Ej sa kamay. "Please, mag behave ka muna. Hindi pa alam ng pamilya ko."


Nagulat ako ng kurotin nito ang ilong ko at ginulo ang aking buhok. "I know, babe. Don't worry, hindi kita ipapahamak."


"Isa pa yang pagtawag tawag mo sa akin ng babe. Alex na lang pwede ba kagaya ng dati."


"No! Hindi na tayo kagaya ng dati. Remember?" Tumahimik na ako. Alam kong di ko to mapipilit. Pero at least mag be-behave ito ngayon. Inakbayan niya ulit ako at giniya papuntang sasakyan. "Let's go. Kanina pa ako pinapatay ng tingin ng kuya mo."


..

Sa bahay,


Isang simpleng bahay ang bumungad sa amin. Mula noong nagbakasyon ako, 4 months ago ay ganoon pa rin ang hitsura ng bahay namin. Gawa ito sa kawayan at puno ng niyog. Medyo malayo sa mga kapitbahay ang kinaroroonan nito kaya't tahimik ang lugar.


Pagdating namin, naabutan namin ang aking mga magulang na nag aabang sa labas. Mabait ang tatay at nanay ko. Kaya kahit nagtataka ang mga ito ay tinanggap nila si Ej nang maluwag sa loob. Nagpakilala ulit itong boyfriend ko daw. Kita kong natuwa ang aking tatay at nanay pero si Kuya halatang hindi pa rin nagagalak. Si Ej kasi ang unang lalaking pinakilala ko sa aking pamilya.


"You're house looks cute." Komento agad ni Ej ng mabungaran ang bahay namin. For sure hindi nito magugustuhang manirahan roon. Nasanay ito sa karangyaan.


"Mamayang hapon ihahatid ka namin sa hotel dun sa siyudad. Pero pagtiisan mo muna dito sa bahay."


"I can stay here!" Automatic nitong sabi.


"Hindi. Hindi mo kaya."


"What do ---"


"Mayaman ka. Kaya sa hotel ka na lang." Putol ko sa sasabihin nito.


"Hey. I cant allow you commanding me like that. If you want me to stay in the hotel, then you should come with me."


Nakakainis. Bakit ba englis to ng englis. Nano-nosebleed pati mga kapatid ko dito.


Nakaupo kami ngayon sa labas ng bahay. May isang puno ng mangga roon. Sa ilalim ng puno ay isang upuang gawa sa puno ng niyog. Meron ding duyan. Nakaupo ako, si Ej at ang mga kababatang kapatid kong babae sina Carl at Cyril. They're both thirteen years old, kambal sila. Kanina pa nakatunganga ang mga kapatid ko kay Ej. Sigurado akong pati tenga ng mga ito ay dumudugo na.


"Maraming lamok dito. Hindi ka makakatulog ng maay--"


"I don't mind."


"Ok lang sa'yo? Magkatabi kayo ng kuya ko?"


"No, its not. I prefer to sleep beside you. Pero ok na rin."


Ang kulit. Bahala na nga ito sa buhay niya. Bahalang maubos ng mga lamok ang dugo niya mamayang gabi.


Mula sa bahay narinig kong tinawag na ako ng aking kuya. Eto na ata ang sinasabi nito kaninang mag uusap kami pagdating ng bahay. Napatingin ako kay Ej. Wala man lang kahit anong bahid ng pag aalala ang mukha nito. Napaka overconfident talaga.


Binilin ko ang lalaki sa mga kapatid ko. Pumayag naman itong iwanan ko sandali.

Your Crush is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon