Part Thirty Three

23 0 0
                                    

Precious POV

Its been two months since I left and think. Akala ko matatagalan bago ako makabalik pero may mga bagay akong dapat harapin.

Agad akong lumabas ng eroplano nang mabuksan ang exit niyon. Dali dali kong kinuha ang maleta ko saka hinanap si Alex.

Isang kumakaway na babae ang muntik ko ng hindi mkilala. Nakangisi ito, suot pa rin nito ang eye glasses pero hindi na yung lumang glasses niya na sobrang kapal halos lamunin ang buong pagmumukha ng babae. May sence of fashion na ang salamin ni Alex sa mata. Pati mukha nito ay mamula mula at blooming na blooming. Yung pananamit naman ay medyo nag improve. Maluluwang pa rin ngunit di na gaya ng dating manang na manang. My bestfriend changes a lot after two months. Nakakatuwa lang. I sighed and smiled at her.

Nag wave wave na rin ako para rito. Dali akong lumapit sa babae. Bitbit nito ang kartolinang may nakasulat na Welcome back, bitch.

Haha. Loko tong si Alex. Linya ko yan eh.

"Biiiiiitccch!!!!" Nagtitili ako habang sinasalubong ako nito. As usual, behave na behave pa rin si Alex.

Nagyakapan kami sandali. Nang nagkatinginan kami ay isang butil ng luha mula sa mga mata nito ang kanyang agad pinawi. Hayy hanggang ngayon ay iyakin pa rin siya. Isang hampas sa braso ko ang ginawa nito habang tuloy tuloy sa paghatid ng mga luha.

"Nakakainis ka. Saan ka ba nagpunta, Precious. Nag alala ako sayo, kaming lahat!" Sabi nito.

"Sus ang O.A nyo, nagpahangin lang ako sa hundred islands haha!" Biro ko rito.

Hinila ko siya para makalabas na ng airport. Nagpatiuna naman ito.

"Tara! Kain tayo sa labas. Libre mo ah? Tutal mayaman ka na ngayon!"

Agad naman itong sumang ayon. Sumakay kami sa BMW nito, sosyalan na si Bitch dahil may driver na siya. Nanibago man pero nakakatuwa si Alex. Down to earth pa rin ang babae, maliban sa ayos nito ay wala pa rin namang nagbago sa ugali niya.

Your Crush is My HusbandWhere stories live. Discover now