Part Sixteen

15 0 0
                                    

Alex


Hindi ko mapilit si Ej na doon na lamang manatili sa hotel dahil mismong ang kuya ko ang nag alok na sa bahay na ito manatili kaya ito awang awa ako sa pagmumukha ng senyorito ko.


Nangangati ito. May mga pantal pantal na ang skin nito dahil sa kakamot. Kasalukuyang ginagamot ko ang lalaki.


Patay ako sa mama nito pag uwi. O baka patayin ako ng manager nito dahil na dis beauty na ang artista niya. Napabuntong hininga ako dahil sa hitsura ni Ej.


Naiinis ako dahil ang tigas ng ulo nitong manatili at dun sa bahay matulog kaya ito ako pa ang mapapagalitan ng lahat.


"Im ok. Mawawala din 'to in just a few hours." Napansin siguro nitong nakabusangot ang mukha ko kaya nagsalita ito.


Hindi ako nagsalita. Natapos ko ng gamutin ang mukha't braso nito. Magkarap kami ngayon.


Wala sa loob na itinaas ko ang suot nitong t-shirt. Tumambad sa kin ang tinatawag nilang abs. 1 2 3 4 5 6 7 8, ahh 8 packs abs.


"S-sorry. Chi-nek ko lang kung may kagat ng l-lamok." Depensa ko. Napahiya ako sa ginawa ko.


"Yeah. Of course." Ngising ngisi naman ito sa kin.


Pero napansin ko talagang halos buong katawan nito ang may kagat ng mga lamok. Para akong mababaliw sa pag aalala. Alam kong ang hitsura ko ngayoy hindi maipinta.


"Saan ka ba pinatulog ni kuya? Bat buong katawan mo puro kagat ng lamok?!" Nag aalala na talaga ako. Sa sobrang kinis ng balat nito kaya naman kitang kita ang nga kagat ng lamok.


"I was sleeping in his bed while his on the floor." Pinatalikod ko ito. Ngayon hinubad na nito ang suot na t-shirt. Ginagamot ko na ngayon ang likod nito.


"Imposible namang buong katawan talaga? Ano ka? Nakahubad natulog?" Nasa isip ko lang ito pero hindi ko namalayang nasabi ko pala dito.


"I cant sleep with my clothes on."


Ikaw na ang macho, kaya bagay na bagay sayong hindi magdamit.


"Kaya naman pala sarap na sarap ang mga lamok sayo eh." Bulong ko dito.


Humagalpak ito ng tawa. Narinig ata nito ang sinabi ko. Napangiti na rin ako dahil first time kong nakitang nag burst out ito dahil sakin. Nakakagaan din pala ng loob pag napapatawa mo ang taong gusto mo.


"Mom is coming here tomorrow. Mamanhikan na kami sa family ninyo. I have already asked your parents and Lester about it and its OK with him."


"O-ok. Ikaw ang bahala." Wala na akong masabi. Talagang pinaghandaan ng mag ina ang mga mangyayari.

Your Crush is My HusbandWhere stories live. Discover now