This Is Me

39 0 0
                                    

Alex

"Are you ready?" Tanong ni Precious sa akin.


Kasalukuyan kaming nasa loob ng dressing room. Nasa backstage ang kwartong ito.


Today is the big day. The surprise performance will be happening today. No one is expecting me to sing aside from Precious. Siya lang naman ang may alam na marunong akong kumanta but hindi niya alam na ngayong gabi darating ang idol nitong banda, ang Aries5. Isang battle of the band ang naka schedule sa gabing ito. Ang performance ko ay isang intermition lang pagkatapos hihirangin ang champion tsaka papasok si Ej and he will be singing with me surprisingly. Just like Demi Lovato at ang member ng One Direction sa The Camp Rock, iyun ang tema namin. Kakantahin ko lang naman ang kantang "This is me".


"Bitch. Youre trembling, just relax. Magaling ka naman eh."


Simpleng red dress lang ang suot ko. Binilhan ako ni Precious ng damit sa mall, gift na daw niya ito para akin dahil sabi nga nito "You'll be out from your shell." Kaya naman tinulungan niya akong mag ayos ng sarili.


"Kinakabahan ako eh."


"Sus. Sisiw bitch. Baka sumikat ka pa sa performance mong to."


Pero kahit anong sabihin ng kaibigan ay hindi ako mapakali. Nasaan na kaya sina Ej. Baka hindi ako siputin ng mga iyon at pinagtritripan na naman ako.


"Hey, malapit ka na." Sumilip ang emcee sa loob at suminyas na sa kin na maghanda.


Patay!

"Tara. Dun na tayo sa likod mismo ng stage." Hinihila na ako ni Precious. Nagpaubaya na lang ako. Ang lakas pa rin ng kabog ng aking dibdib. Nakakabingi na nga eh.


"Precious, pwede mag-back out?"


"No!" Pinandilatan pako ng mata ng kaibigan.


After a few minutes, natapos na din ang final performace ng bandang nag champion. The emcee took the microphone and started to explain the last piece. Parang nag slow motion lang lahat nang tawagin nito ang pangalan ko.


"Let us all welcome, Miss Jhonhanna Alex Bitangcol from the College of Arts and Sciences."


Tinulak ako papasok ni Precious sa stage dahil naninigas na ako saking kinatatayuan. "Go bitch. Break a leg!" Cheer nito.


Nasa gitna na ako ng stage. Nakatutok sa akin ang spot light. Then the music started. Hindi ko makita ang mga tao dahil sa silaw ng liwanag. Ilang beses din kaming nag praktis ni Ej pero hindi pa rin ako kampante.


Help me, Lord. Mahinang kong dasal.


Then, I stared singing the song, pumiyok pa ang boses ko sa kaba.


I've always been the kind of girl

Your Crush is My HusbandWhere stories live. Discover now