Part Thirteen

20 0 0
                                    

Alex


Halos hindi ako makahinga sa samot -saring nararamdaman ko kapag nilalapitan ako ni Ej. Inihatid na ako nito sa bahay pero til now hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga ginagawa't sinabi nito kanina.


Magiging asawa na niya talaga ako.


Alas syete ng gabi kami nakauwi dahil kumain muna kami ng hapunan dun sa condo unit nito. Nag order siya ng makakain dahil alam naman nitong hindi ako masarap magluto.


Ngayon naman nandito na ako nakahiga sa kwarto nito. Parang panaginip lang ito lahat. Kahapon lang isang ordinaryong babae lang ako at palaging inaasar ng aking amo pero ngayon heto at ikakasal na kami.


Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kwarto. Kun tutuusin mas malaki pa ang kwartong ito sa buong bahay namin sa probinsya. Bigla kong naisip ang aking pamilya. I get my phone and dialed my brothers cell phone number.


(Hello!)


Napangiti ako. Namiss ko silang lahat. Naririnig ko mula sa background ang kakulitan ng aking mga kapatid.


(Jone? Bakit di ka nagsasalita diyan?)


Jone ang tawag ni Kuya sakin. It s short term for my frst name Jhohanna.


Hindi ko napigilang maiyak. Talagang namiss ko silang lahat.


"Kuya, namiss ko kayong lahat!" Pinahid ko ang luha mula sa king mga mata.


(Umiiyak ka na naman ba?)


"Hindi ah!" Pagsisinungaling ko dito. Pero masyadong kilalang kilala ako ni kuya kayat alam kong hindi ito naniniwala sa kin.


(Naririnig kita. Umiiyak ka.) Napabuntong hininga ang kuya ko.


(Pasensiya ka na ha? Di ka namin mapag aral. Pero sana matiis mo ang lahat, Jone. Konti na lang makaka graduate ka na. Kaya mo yan!)


"Kuya, pwede ba akong umuwi diyan kahit saglit lang. "


Gusto ko sanang sabihin sa kuya ko ang mga nangyayari pero naisip kong dapat umuwi na lang ako sa min at ipagtapat ang pagpapakasal ko sa lahat. Nalilito na ako. Gusto kong magkaroon ng kakampi.


(Jone, may problema ka ba? Biglaan ata ang pag uwi mo?)


"Kasi--"


Hindi ko na napigilang umiyak ng todo. Bakit ba ako umiiyak? Hindi ba't magiging mabuti ang patutunguhan ng pagpapakasal ko kay Ej? Hindi lang ako ang bubuti pati pamilya ko. Pero ewan ko ba kung bakit. Ang OA naman ng nagiging reaksyon ko ngayon.


(Ano bang nangyayari sa'yo? Tinatakot mo ko sa mga ginagawa mo ngayon, Jone. Sabihin mo nga? Anong problema mo?)


Iretable na ang tono ng pananalita ng kuya ko. Pero hindi ko na naririnig ang maiingay na background siguro lumayo ito sa bahay para makapag usap kami ng maayos. Hindi pa rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano sasabihin dito. Paano ko ba ipapaliwanag na ikakasal na ako?


(Jhohanna? Tapatin mo nga ako. Buntis ka ba?!)


"Hindi ah!" Nawala ang lahat ng naramdaman kong pag i-emote dahil sa sinabi nito. Ang OA naman ng kuya ko, mas OA pa sa akin. Magpapakasal pa nga, mabubuntis na agad.


(Maayo kong ganun. Kasi naman kung makaiyak ka diyan eh. Lam ko naman mga bata karon. Inuuna ang paglalandi o pagbo-boypren. Kaya ikaw, study first ha.)


Napangiti ako. Si kuya talaga, nag sesermon na naman. Nagbibisaya na nga. "Oo lagi kuya. Para po sa inyo 'tong lahat ng ginagawa ko."


(Oh sige. Sasabihin ko kay papa na gusto nimong muuli dri. Padadalhan ka namin ng kwarta pamasahe. Mag amping ka dha pirme, Jone.)


Na touch naman ako sa sinabi ng Kuya ko. "Salamat kuya. Ikaw ang pinakagwapong kuya sa balat ng lupa. Mahal na mahal ko kayong lahat. Miss na miss ko na kayo."


Narinig kong tumawa ang kapatid ko, (Oo na. Wag mo na akong bulahin. Matulog ka na. Baka maubos ng load mo niyan. Miss na miss ka na din namin.)


End of call.


Nakahinga ng maluwang. Medyo kumalma na rin ang nararamdaman kong pangungulila sa aking pamilya. Uuwi ako as soon as possible sa Dumguete City. Bahala na muna kung aabsent ako ng ilang araw basta makauwi lang. Hindi lang ang pamilya ko ang namiss ko, pati ang mismong lugar na kinalakihan ko.


Bukas na bukas din ay magpapaalam ako sa aking amo na uuwi sa aming lugar. Pinikit ko na ang aking mata. Huminga ako ng malalim habang yakap yakap ang unan ni Ej. Amoy ng lalaki ang nalalanghap ko saan mang sulok ng kwarto. I smiled and fall asleep to dreamland.

Your Crush is My HusbandWhere stories live. Discover now