Part Fifteen

13 0 0
                                    

Alex


"Jone, marami kang dapat ipaliwanag sa kin. Akala ko ba study first tayo. Ano yan? At tingnan mo nga yang lalaking napili nimo, mukhang mayaman. Saan mo ba napulot yang Ej na yan?" Hindi naman galit ang tono ng Kuya ko. Siguro confuse lang talaga ito sa surpresa ko. Bahala na, kailangan ko na talagang ipagtapat dito ang lahat.


"Anak po siya ni Maam Emilia Conant. Yung kumopkop sa akin, kuya." Hindi ako makatingin sa kuya ng deritso.


"Ano!?!" Napailing si kuya. Pero hindi na muna ito nag komento. Hinintay nito ang iba ko pang paliwanag


"Magpapakasal na po kami sa susunod na buwan."


Kita kong mas lalong naguluhan ang Kuya ko. Kahit ako man ay naguguluhan rin.


"Nganu? Bakit? Anong nangyari, Jone." Mahinahon pero kita kong nagpipigil ang kuya ko. Naikuyom nito ang kamao. Nakaramdam naman ako ng takot dito. Ni minsan ay hindi pa ako napagbuhatan ng kamay ni Kuya.


Hindi ako makasagot. Hindi ko rin alam ang isasagot kaya natameme ako.


"Jone? May nangyari na ba, kaya't pinapakasalan ka ng lalaking yan? Buntis ka ba?" Niyugyog na ako ng kapatid ko dahil hindi na ako nagsasalita.


"Kuya --"


"Hindi ako magagalit kong ano man ang dahilan nimo kaya magstorya ka sa tinuod. Sa mukha ng lalaking yan, hindi malabong makipagrosaryo lang yan sa mga babae. At tingin ko rin, kahit si nanay ang alokin niyan ay bibigay sa kakisigan niyang boypren mo."


Hindi ko napigilang matawa ng konti sa sinabi ng kuya ko. May pagka joker din kasi ito. Nawala ang tensyong naramdaman ko. Pero hindi ko pa rin pwedeng sabihin dito ang totoong dahilan. Alam kong hindi ito papayag.


"Kuya, wala pa naman pong nagyayari."


"Sigurado ka ba? Hindi ko naman sisirain ang artistahing mukha ng boypren mo kung ano man yang dahilan mo."


Wag ka. Sinungaling ka kuya. Kahit nga nung may lumalapit lang sa aking lalaki'y tinatakot niyo na kaagad.


Ngumiti na lang ako. Kailangan kong dramaham ito para payagan akong magpakasal.


"Sigurado po. Lagi ko po kayong iniisip kaya't hindi ko nakakalimutan lahat ng bilin ninyo sakin.

Kuya, tingnan mo nga si Ej. Niyaya po nya akong pakasalan isang buwan ng nakakaraan. Sino ba naman ako para tumanggi. Lahat nasa sa kanya na.

Gwapo na, mayaman pa. Di ba ang swerte kong girlfriend? At ako na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa dahil napili niya akong pakasalan.

Gustong gusto ko po siya." Namula ako sa huling mga salitang sinabi ko kay kuya.


Nakita kong huminahon ito at tumango tango sa mga sinasabi ko.


"Kaya po hindi na ko nakatanggi ng yayain niya akong magpakasal, kuya. Di ba sinabi nyo na rin, kahit sinong babae ay hindi makakatanggi sa kanya, kaya ako rin. Isa ako sa mga babaeng yun. Sana naman pumayag kayong magpakasal kami."


Napabuntong hininga ang kuya, "Bat hindi mo sinabing may boypren ka na pala?"


"K-kasi, pinagbabawalan niyo ako noon. K-kaya tinago ko." Nabubulol na ako dahil sa mga kasinungalingan.


"Alam ba yan ng amo mong babae?"


"Opo."


Tinitigan ako ng kuya ko. Tsaka hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Hmmm. Dalaga ka na gyud, Jone. At eto ngat magpapakasal ka na. Uunahan mo pa ako.

Pero sana pag isipan nimong mabuti yang papasukin nimo. Siguro nga maswerte ka dahil gwapo at datu siya pero isipin mong ang lahat ng yan ay mawawala lang. Bata ka pa. Marami ka pang makikilala."


Alam ko ang ibig nitong sabihin. Pero wala akong magagawa. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Ej. Kahit naman umayaw ako, may parti ng pagkatao ko na gustong pumayag siguro dahil pinangarap ko ring makasama ito. Ako na siguro ang pinaka tangang babae pag inayawan ko pa ito.


"Hindi kita pipigilan sa desisyon mo, Jone. Kung san ka masaya, suportahan ta ka."


Niyakap ko ang aking kapatid saka nagpasalamat. Nakahinga ako ng maluwang dahil kapag pumayag si kuya ang ibig sabihin nito ay papayag na rin ang aking mga magulang.


Si kuya na kasi ang bumubuhay sa pamilya namin. Masakitin ang mga magulang ko. Ang tatay koy 70 years old na at si nanay naman ay 50 years old lang. Age doesnt matter ang love story ng mga magulang ko.

Your Crush is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon