Part Nine

18 0 0
                                    

Alex


The next day. Balitang balita sa buong campus ang surprise performance ng Aries5. Lahat nakatunganga sa kani -kanilang mga cellphone. Umabot sa Facebook, Instagram, twitter or sa buong internet ang nangyari.


Isang grupo ng istudyanti ang nag uusap mula sa kinaroroonan ko kaya naman dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan nila.


"Oh my G, girl. Ang gu-gwapo talaga nila lalong lalo na si Ej."


"I cant believe na siya pala yung lalaking naka cap at jacket sa tabi, then when he reveal his self parang nahihimatay ako. Kung alam ko lang di sana nakapagselfie kaming dalawa."


"Sino ba yung kumantang babae, di naman kagandahan yung boses eh?"


"Yeah right. She is from CAS department. Jeez pinahiya lang niya sarili niya sa stage. Ewh!"


"Pero in fairness, ang swerte swerte niya noh?"


Tumayo na ako at lumayo sa lugar na yun. Naiinis ako sa mga sinasabi ng mga babae. Pero tama naman talaga sila, hindi kagandahan ang boses ko. I look around and discovered that the people were staring and suddenly talk something. Wala na. Mas lalong nilamon ng lupa ang confidence ko. Oo na. Hindi ako magaling. Kayo na ang magaling.


Nagtungo na lamang ako sa room ng next class namin ni Precious. Buti na lamang classmate pala kami sa next subject na calculus. Pagdating ko naman sa room, nagkatinginan nanaman ang mga tao sa akin. Umupo na ako sa king pwesto. Ilang minuto pa ay dumating si Precious.


"Bitch!" Ang lakas ng boses nito na bumulabog sa buong kwarto. Napa-peace sign ito sa mga kaklaseng nadistorbo.


"Bakit?"


"Tingnan mo!" Kapwa kami napatingin sa iphone nito. Nandun lang naman ang mga pictures ng nangyaring performance kagabi. "Sikat ka na."


Napakunot-noo naman ako. "Anong sikat?"


"Sa google to. Look! You're face is all around the internet, bitch ka talaga. Sikat ka na."


Andun nga ang mga pictures namin ng nakaraang gabi. May mga pictures pa na nakafocus sa min ni Ej habang nagdu-duet. Aries5 suprisingly serenade Elthon John University. Ayun ang nkalagay na caption sa mga pictures. Pero hindi rin naman ako ang highlight ng post nayun sa internet kundi ang mismong banda pa rin.


"As expected, ang dami mo na agad haters. But dont worry, they're just jealous." Ngiti-ngiting sabi ng kaibigan ko. "Haba ng hair mo, bitch!"


"Hindi naman ako sikat eh. Nadala lang sila sa pictures at sa performance namin."


Ayaw kong isipin na sikat na agad ako. Syempre, alam ko na agad na posibleng masali ako sa kasikatan nila dahil sa duet namin ni Ej pero hanggang dun lang yun. Hindi naman ako artistahin tulad ng mga ito. Magmumukha pang artista si Precious at ako alalay lang.


"Aiii basta for me, malapit ka ng madiscover!"


Napaayos na ako ng upo at nagsimulang kunin ang mga gamit ko sa loob ng bag. Ayoko ng pinapaasa ako. Hindi ko pinangarap sumikat. "Tama na yan. Turuan mo na ako sa calculus."


"Wait. Para naman updated ka. Do you want me to create a Facebook account for you?"


Napailing ako. Hindi ako interesado sa mga bagay na ganyan dahil hindi ko naman iyun kailangan. Wala akong iphone tulad nito. Aksaya lang sa oras ang Facebook at iba pang social media sites. "Ayoko. Nakakagulo lang yan."


Napabusangot ito. "Taga bundok ka talaga. You're so ignorant."


Hindi naman ako naiinsulto sa mga sinasabi ni Precious pero naiinis lang ako at namimilit ito to the point na hindi nito pinipigilan ang buka ng kanyang bibig. Paano na kaya pag nalaman nito ang sekreto niyang fiancee na siya ng idol nito? Ano kaya magiging reaksyon ni Precious.


Napailing na lang ako't nag aral mag-isa. Ayoko isipin ang mga bagay na imposibleng mangyari. Ang pagiging asawa ni Ej o ang pagiging sikat ko ay ang mga bagay na talagang sa panaginip lang ko makukuha.

Your Crush is My HusbandWhere stories live. Discover now