UNA

2.1K 79 9
                                    

UNA


"Asan si Ranillo?"

Umagang-umaga at kakalapit ko pa lang sa upuan ko ay 'yung seatmate ko nang 'yon ang unang-una kong hinanap sa mga kaklase ko. Nasa upuan na niya ang bag niya eh. Kaso wala naman siya.

Nagsi-ilingan ang mga kaklase kong nagkukumpulan sa tapat ng seat namin ni Khaizer.

"Ako nung dumating ako, nandyan na 'yang bag niya. Pero siya, wala." Kuwento nung isa kong kaklase na lalaki na sa harapang row namin nakapuwesto.

"Ganon..." Umupo na ako at saka napatitig sa dark blue na bagpack ni Khaizer.

Asan na kaya 'yon? Gusto ko nang ibalik sa kanya 'yung payong eh. Payong na hindi naman sa akin pero ginamit ko. Nako, pasensya naman sa totoong may-ari no'n.

Naghintay na lang ako sa pagbabalik ni Khaizer. Pero hanggang sa magsimula na ang klase namin, wala pa rin siya.

Ano na kayang pinaggagawa no'n? Napag-utusan kaya ng isa sa mga teacher namin?

Apat ang subjects namin sa umaga. At lahat nang iyon, lumipas nang wala si Khaizer. Sobra-sobra na tuloy akong nagtataka kung anong pinagkakaabalahan niya at hindi niya magawang maka-attend ng mga klase namin.

"Shine, alam ko na kung nasaan si Khaizer. Nasa clinic pala 'yon at natutulog. Nilalagnat kasi." Sambit bigla ng kaklase kong si Yumi habang nananghalian kami sa classroom kasabay ang ilan sa iba naming kaklase na dito piniling mananghalian.

"Ayieee! Siya agad ang unang nakaalam! Palibhasa, crush!" Tudyo naman kay Yumi ng kaklase naming babae na nakaupo sa tabi niya. Si Melanie.

"H-hala! Hindi ah!" Hinampas ni Yumi si Melanie sa braso nito. Natawa naman ang iba naming kasama at naki-ayie pa.

Kasi naman. Hindi raw niya crush si Khaizer pero namumula. Maputi pa naman si Yumi dahil may lahing Japanese.

"Si Shine, crush din malamang si Khaizer! Hinahanap eh!" Baling sa akin ni Melanie. "Ayieee!"

Napansin ko naman ang pag-nguso ni Yumi. Hala, ah. Huwag niya sabihing nagseselos siya?

"Uy, hindi ko crush 'yon." Tanggi ko.

Pero aaminin ko, ideal guy-type si Khaizer kung looks ang pag-uusapan. Guwapo kasi. Ang ganda ng facial features lalo na ang mga mata niya. Kaso hindi ako naa-attract sa kanya.

Siguro kasi, nakaka-turn off ang pagiging slow niya sa klase? Hindi siya katalinuhan eh.

O siguro kasi... si Louie pa rin ang nilalaman ng puso ko at ayaw na nitong tumibok para sa iba?

Pasimple akong napabuntung hininga roon.

Nami-miss ko na naman siya...

"Walang crush kay Ranillo 'yan!" Pagtanggol sa akin ng isa pa naming kaklase na babae. "May boyfriend na kaya si Sunshine!"

"Oh?" Sabay-sabay silang napatingin sa akin na may gulat na gulat na tingin.

"A-ah, oo..." Sagot ko na lang. Nakita nga pala kasi nung nagtanggol sa akin ang nag-iisang picture namin ni Louie sa cellphone ko. At ang kuha namin doon? 'Yung simpleng kuha lang dapat ng mga sarili namin, pero bigla akong hinalikan ni Louie sa sintido.

Pasimple akong napangiti sa alaalang iyon. Pero nawala rin ang ngiti ko nung magtanong-tanong na ang mga kaklase ko tungkol sa boyfriend ko. Nakaramdam ng sakit ang puso ko sa mga tanong nila, dahil ang kasabay no'n ay ang pagsakop ng hindi magagandang alaala sa isipan ko.

'Yung araw ng Pasko. 'Yung pagsagot ko na dapat sa kanya. 'Yung pagtawag ng mama niya. 'Yung balita na... wala na siya.

Ang sakit...

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora