IKALAWA

2K 76 8
                                    

IKALAWA


Dumating ang araw ng reporting ko sa Health class—kasama si Khaizer. Success kasi ang pagpapaalam ko kay Ma'am Rodriguez na tutulungan ako kuno ng lalaking 'yon so ngayon, ito... Dalawa kami ngayon ang nasa harapan ng buong klase at nagdi-discuss tungkol sa first aid.

"First is Cardiopulmonary Resuscitation or CPR, or 'yung tinatawag natin minsan na mouth-to-mouth resuscitation." Simula ko sa first topic after ng nakakaantok at walang kagana-ganang introduction ni Khaizer. "It's an emergency procedure consisting of external cardiac massage and artificial respiration, usually done to a person who has collapsed and has no pulse and has stopped breathing. This procedure attempts to restore circulation of the blood and prevent death or brain damage due to lack of oxygen. Pero hindi ito basta-basta ginagawa. May steps na sinusunod sa pagbibigay ng CPR. At ito ang mga steps na iyon."

Diniscuss ko 'yung steps ng CPR base do'n sa mga dinrawing ko sa Manila paper. Hindi kagandahan ang drawing ko pero puwede na. Kinarir ko 'yan kahit papaano.

"Sample! Sample!" Tukso sa akin ng mga kaklase namin habang dini-discuss ko 'yung part na pinaglalapat ang mga labi ng biktima at ng nagbibigay ng first aid. "Dapat magpakita ng actual sample ng CPR ang mga reporter!"

What the?

Nagkatinginan kami ni Khaizer. Mukha siyang inaantok. Parang balewala lang sa kanya ang panunukso ng mga kaklase namin sa amin. Habang ako, medyo na-tensyonado.

Then naisip ko si Yumi.

Tinignan ko ang half-Japanese na iyon. Nakanguso siya!

"Sample ba kamo?" Sabi ko sa buong klase. "Kailangan may participation din kayo! How about... si Khaizer ang magbibigay ng CPR. At si Yumi naman ang aaktong pasyente?"

"What?" Pag-react ni Khaizer sa kumukontra na tono. Natabunan nga lang ang reaksyon niya ng napakalakas na pag-"ayieee!" ng mga kaklase namin para sa kanila ni Yumi. Kahit ang teacher namin ay naki-tukso. Mukhang naaliw sa tambalan nilang dalawa.

Nang balikan ko ng tingin si Khaizer, nakaramdam naman ako ng kaba. Mukha siyang napikon!

Buti na lang pinahinto rin agad ng teacher namin ang panunukso ng mga kaklase namin. Hindi rin ito pumayag sa actual sample, at sinabihan akong ituloy lang ang pagre-report ko. At iyon na nga ang ginawa ko, hanggang sa matapos na kami ni Khaizer—nang hindi nawawala ang kaba ko.

Hindi na ako mapakali magmula no'n. Tahimik pa rin si Khaizer as usual habang nakaupo sa tabi ko. Pero ramdam na ramdam ko ang pagka-badtrip niya sa akin.

Hindi ko naman kaibigan si Khaizer para masyadong i-stress ang sarili ko sa pagka-badtrip niya. So pinilit ko na lang ang sarili ko na huwag na iyon bigyan pa ng pansin.

Pero hindi pa rin talaga ako mapakali... Tsk.

Para i-relax ang sarili ko, napagdesisyunan kong bisitahin ang Botany area ng school namin matapos kong mananghalian.

Sa Botany area, naroon ang mga alagang halaman ng Science department. Restricted area iyon sa aming mga estudyante kasi madalas daw ay sinisira lang namin ang mga halaman doon. Pero nung nakaraang linggo ay nagpaalam ako na gusto kong magtanim at mag-alaga roon ng sunflower. Pinayagan naman ako ng Science head teacher namin.

Pagkalabas ko ng building, tiningala ko ang langit. Kulimlim. Mukhang anong oras ay uulan na naman.

Pumikit ako at huminga nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang Botany area. Saglit lang naman ako doon. Iche-check ko lang 'yung sunflower seeds na tinanim ko tatlong araw na ang nakakaraan. Mula no'n eh hindi ko pa iyon nababalikan eh. Hindi ko tuloy alam kung tumubo o tutubo pa ang mga iyon.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Where stories live. Discover now