IKALABING PITO

1K 46 9
                                    

IKALABING-PITO


Ang sakit ng tiyan ko...

Pero wala naman akong LBM o ano. Nate-tense lang ako dahil ngayong tanghali na lalabas ang resulta ng tinake kong entrance exams sa MMU.

Tanghali ang labas, pero hanggang ngayon na alas tres na ng hapon ay down pa rin 'yung site ng MMU.

Ano ba naman 'to...

Nakaupo ako sa sahig ng kuwarto ko habang nakasandal sa gilid ng kama ko. Ang mga braso ko, nakayakap sa mga tuhod ko. At ang mga mata ko, nakatitig sa screen ng laptop kong nasa sahig.

Cannot load page pa rin ang nakalagay kahit ilang daang beses ko na siyang nire-refresh.

Napapikit at buntung hininga na lang ako—nang may biglang kumatok.

Pagkadilat ko, nilingunan ko ang nakabukas na pinto nitong kuwarto ko. Bahagya naman akong magulat nang makita kung sino ang kumatok.

"Khaizer," tawag ko sa kanya.

Nginitian niya ako. "Kamusta?"

Napangiti rin ako, pero tipid lang. "Medyo okay lang..."

Araw-araw naman, nagkikita kami ni Khaizer. Araw-araw, may school eh. Kapag weekends naman, nakikipaglaro madalas sa kanya si Cloud. At minsan, ganito, nandito siya sa bahay namin kasi niyayaya siya ng kapatid ko na manood ng live basketball game sa TV.

"Ikaw, kamusta? Kamusta 'yung pinapanood niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Half break."

"Ah..." At hindi na ako nakapagsalita.

Umupo si Khaizer sa sahig at sumandal sa gilid ng kama ko—nang may distansya sa akin.

"So down pa rin pala ang site nila." Hinatak niya ang laptop ko at ni-refresh 'yung webpage.

Wala pa rin talaga. Pumikit na lang tuloy ulit ako.

"Huwag mo na muna kasi 'tong isipin. Mamayang madaling araw mo na 'to i-check."

"Pero—"

"Pustahan, mamayang hatinggabi, okay na 'yan."

Napataas ako ng isang kilay. "Paano ka nakakasigurado?"

Nagkibit-balikat siya. "Nararamdaman ko lang."

"At gaano naman ka-reliable ang nararamdaman mo?"

Nginisian niya ako. "101%."

"Aba?" Hindi ko napigilang matawa. "Confident much?"

Lumapad ang ngiti niya at tumitig sa nakasaradong bintana nitong kuwarto ko.

"Basta, mamaya mo na 'to pagkaabalahan." Sinara bigla ni Khaizer ang screen ng laptop ko. "Samahan mo na lang kami ni Cloud."

"Huh? Samahan?" Saglit akong napatitig sa kanya out of curiousity, bago ako napakurap at napasimangot nang maisip na niyayaya niya akong makinood sa kanila ng kapatid ko. "Sa baba? Ayoko. Hindi ako makaka-relate sa inyo."

Aliw na napangiti sa akin si Khaizer. "Hindi sa baba... Nagyaya kasi si Cloud na maglaro sa court. At kailangan namin ng manager."

"Manager?" Hindi ko na naman napigilang matawa. "Kailangan niyo lang ng utusan eh!"

Kahit si Khaizer, natawa. "Well, bukod do'n, kailangan din namin ng inspirasyon."

Inspirasyon?

Tumayo na si Khaizer at inabot sa akin ang isa niyang kamay. "Tara na."

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Where stories live. Discover now