IKASIYAM

1.2K 42 2
                                    

IKASIYAM


Tahimik, kalmado, masaya.

Pero mali ito... Alam kong mali ang maging ganito kami ni Louie. Ganito katahimik, ka-kalmado, at kasaya habang magkatabing nakaupo sa damuhan. Magkatabi, pero may distansya sa isa't isa.

Paano 'to nangyayari? Paano kami naging ganito?

Dapat, mas lapitan ko siya. Dapat yakapin ko siya. Dapat maipaalam ko na sa kanya kung gaano ko na siya nami-miss. Pero... hindi kumikilos ang katawan ko. Para bang kuntento na ito kung nasaan ako. Dito sa tabi niya kahit may distansya. Dito, habang nakatitig sa maganda niyang ngiti; sa mga mata niyang nakatingin sa malayo.

Alam ko, may gusto akong sabihin sa kanya. Pero hindi ko magawang magsalita. Ang isip ko ay mabilis napunta sa kung saan ba siya nakatingin—kung ano ba 'yung nginingitian niya sa malayo.

Nilipat ko ang tingin ko sa direksyon na iyon. Kinailangan ko pang liitan ang mga mata ko dahil nanlabo ang paningin ko. Nang malinaw ko nang makita kung ano ba iyon, kinabahan ako.

Si Khaizer. Nakatalikod siya sa amin at nakapamulsa.

Napahawak ako sa dibdib ko at kinontrol ang paghinga ko.

Maling-mali ito...

Bakit ba nararamdaman ko 'to? Bakit hanggang ngayon na kasama ko na si Louie?

Binalikan ko ng tingin si Louie para ibaling sa kanya ang buong atensyon ko. Pero wala na siya sa tabi ko!

Napatayo ako at hinanap si Louie sa likuran ko. Pero wala na talaga siya.

Ayaw ko man ay muli kong tiningnan si Khaizer. Nasa malayo pa rin siya—pero nakaharap at nakatingin na sa akin.

Sa pagtitig ko sa mga mata ni Khaizer, lumala ang kabang nararamdaman ko. Lalo akong nahirapang huminga. Humigpit ang kapit ko sa dibdib ko. Pero sa kabila ng lahat nang iyon... naglakad ako palapit sa kanya. Dahan-dahan. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko... ito na ang pinakatamang ginawa ko sa lahat.

"Shine!"

Napadilat ako sa sigaw na iyon ni Mama.

"Uy, ano ka ba, anak! Mahuhuli ka na sa school mo!"

Sa mga narinig ko ay mabilis akong napabangon.

"A-anong oras na?!" Nagpa-panic kong tanong habang hinahagilap ang cellphone ko. Sa ilalim ng unan ko iyon nakuha gaya ng pagkakaalala ko kung saan ko 'yun tinabi kanina pagka-alarm nito. Nangyari lang na tinamad akong bumangon agad kanina kaya humiga muna ako ulit. Hindi ko naman inakala na makakatulog dib ako ulit. Ang mas malala pa ay lumalim ang tulog ko.

"6:30 na! Nako! Ano bang ginawa mo kagabi ha at napuyat ka?" Kinuha ni Mama ang towel na naka-hanger sa labas ng pinto ng closet ko at inabot iyon sa akin, pati na ang PE uniform ko na hinanda ko kagabi.

"A-assignment lang po." Sagot ko kasabay ng pagkaripas ko palabas ng kuwarto para pumuntang CR.

"Dalian mo maligo ha!"

Sinara ko agad-agad ang pinto ng CR pagkapasok ko roon. "Opo!" Sigaw ko at nagmadali na akong maligo.

Iba talaga ang nagagawa ng pagmamadali at pagpa-panic. Dati dinadasalan ko pa ang tubig-gripo na ipinangliligo ko para hindi ako masyadong lamigin. Pero ngayon, hindi ko na nagawang indahin 'yung lamig.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagmamadali sa mga kailangan kong gawin. Pagligo, pagbihis, pagkain, at pagbiyahe papuntang school. Ang resulta: mas maaga ako nakarating sa klase ko.

Unti pa lang ang mga kaklase ko nung makarating ako sa classroom namin. Pero si Khaizer... nandon na.

Bago pa ako makalapit sa puwesto namin ni Khaizer, nag-angat siya ng tingin mula sa gamit niyang cellphone. Nakaaninag ako ng bahagyang pagkagulat sa mga mata niya nang makita niya ako. Kahit ako, medyo nagulat din sa bigla niyang pag-angat ng tingin. Napatitig tuloy kami sa isa't isa.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon