IKADALAWAMPU'T APAT

895 35 4
                                    

IKADALAWAMPU’T APAT


“Hindi pa ba makakauwi si Khaizer?”

Pinigilan kong mapasimangot si tinanong ni Mama.

Nasa isang fast food restaurant kami ngayon kasama sina Cloud at Papa. Nataon lang na ang kapatid ko at si Papa ang pumila sa counter para um-order ng kakainin namin kaya kaming dalawa lang ni Mama ang nakapuwesto ngayon sa table na nakuha namin.

Natawa si Mama sa naging reaksyon ko sabay haplos sa tiyan niya.

“Ito naman,” sabi pa ni Mama. “Huwag na sumama loob mo kay Khaizer. Hindi naman niya kasalanan ‘di ba kung hindi pa siya makauwi?”

Nagbuntung-hininga ako sabay lingon sa counter kung saan kasalukuyan nang ina-assist sina Papa.

“Hindi naman po sumasama ang loob ko kay Khaizer. Hindi ko lang maintindihan ang mama niya. Pinasundo niya si Khaizer at pinauwi para kausapin, pero siya naman pala ‘yong hindi makakauwi agad para magkausap sila.” dahilan ko habang nakatulala kina Papa. “Ang labo niya… Pakiramdam ko, wala talaga siyang pakialam kay Khaizer—sa anak niya. Pero bakit po ganon?” binalikan ko ng tingin si Mama at alam kong nababakas sa mukha ko ang pagkalito. “Nagkaroon lang siya ng ibang pamilya—siya pati na ang papa ni Khaizer—pareho sila—bakit nawalan na sila ng pakialam sa sarili nilang anak? Naaawa ako kay Khaizer kasi… nasa gitna lang siya ng mga magulang niya at walang nagkukusa sa magkabilang panig na samahan siya. Para pa siyang tuta na kinakadena ng mama niya para pilit pasunurin sa mga gusto nitong mangyari sa kanya.”

Lumungkot ang tingin sa akin ni Mama, ang kamay niya ay napahinto sa paghaplos sa kanyang tiyan.

“Sa totoo lang,” simula ni Mama. “hindi ko rin alam kung bakit may ganong mga magulang. Pero, wala rin kasi akong alam sa kung ano ba ang pinagdadaanan nila.”

“Kung anuman ang pinagdadaanan nila, hindi ‘yon valid reason para pabayaan nila ang anak nila.” kontra ko naman.

Napabuntung-hininga si Mama at malungkot na tumitig sa akin.

“Naiintindihan ko ang punto mo, Shine. Pero hindi natin ‘yon puwede ipilit dahil hindi lahat sadyang may kapasidad na maging magulang. Puwedeng kaya nilang bumuo at magluwal ng bata, pero ‘yong magpaka-responsable?” umiling siya. “Hindi talaga lahat kaya iyon. Nakakalungkot, pero parte ‘yon ng reyalidad.”

Totoo naman, kaya hindi na ako nakasagot pa kay Mama. Yumuko na lang ako at tinitigan ang hawak kong cellphone. Sa screen nito, mababasa ang huling tinext sa akin ni Khaizer.

KHAIZER: Kung bukas ng umaga hindi pa siya uuwi rito at makikipag-usap sa akin, aalis na ako. Ako na lang ang uuwi sa ‘yo.

Bukas… Isang araw na lang, pero naiinip na akong maghintay. ‘Yong una kasi naming usapan noon na kinabukasan din siya dapat uuwi, hindi natuloy at ito, inabot na ng isang linggo.

Pasimple akong huminga nang malalim.

Sana naman matuloy na ang pag-uwi niya sa pagkakataon na ‘to.

Kaysa patuloy na magmukmok dahil kay Khaizer, in-enjoy ko na lang ang araw na ito kasama ang pamilya ko. Linggo at nag-aya kaninang umaga si Papa na ipasyal kami.

SUNSHINE: Sayaaang, nag-chicken bucket meal kami.

Tinukso ko si Khaizer sa text nung kumakain na kami. Totoo naman, bumili ng isang bucket ng fried chicken sina Papa. Nananatiling favorite food ni Cloud iyon e—at pati ni Khaizer. Parehas silang lumalakas ang kain kapag ayun ang ulam.

KHAIZER: Tirhan niyo ako! Gusto ko niyan bukas!

Natawa ako bigla. Nagulat pa nga sa akin sina Papa at tiningnan ako na para bang isa akong baliw.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat