IKA-DALAWAMPU'T ISA

1.1K 45 10
                                    

IKADALAWAMPU'T ISA


Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Tuwa, excitement, kaba—at lungkot. Dahil ngayon—ngayong araw na ng pagtatapos namin sa high school.

"Ano ba 'yan, Melanie!" may inis pero natatawa kong sita sa katabi ko dahil sa grabehang paghikab na kanyang ginawa. Nag-e-emote pa naman ako dahil sa goodbye song na kinakanta ng schoolmate namin.

Nginitian niya ako nang nakakaloko. "Nakakaantok naman kasi! Anong oras pa ba tayo aakyat ng stage para makuha ang lintyak na diploma natin? Excited na akong mag-college life!"

College life. Ayun ang mga salitang nagpalala sa excitement nararamdaman ko. Kasi, ito na kami. Suot ang kanya-kanya naming toga, nakaupo sa kanya-kanya naming upuan, habang naghihintay sa muli naming pagmartsa upang tanggapin ang token ng paghihirap namin sa loob ng apat na taon.

Tumingin ako sa paligid ng auditorium na inupahan ng school para pagganapan ng graduation namin. Marami-rami kaming senior students na narito. Lahat kami naka-toga. Lahat kami, iiwanan na ang paaralang nagsilbing pangalawa naming tahanan.

Sa akin, kahit isang taon lang akong nag-aral sa paaralang ito, naging espesyal na ito sa akin. Dito kasi ako nagkaroon ng maraming kaibigan. At siyempre, dito ko kasi nakilala si Khaizer.

Dumako ang tingin ko sa bandang kanan kung saan nakaupo si Khaizer. Nakatuon ang paningin niya sa stage kung saan nakanta pa rin ang schoolmate namin.

Inobserbahan ko ang side view profile ni Khaizer—sa panglimang pagkakataon mula nang pumuwesto kami sa kanya-kanya naming upuan. Hindi kasi siya nakakasawang titigan.

'Yung tinding ng mga balikat niya... Ang bagang niya... Ang ilong niya... Ang mga mata niya...

Sa nakikita ko ngayon sa itsura ni Khaizer, mukha siyang nababagot. Napatunayan ko pa 'yon nang magbuntung-hininga siya at nagkamot ng leeg gamit ang isang daliri. Sa isang academic year ko ba naman siyang naging seatmate, hindi ko pa mapapansin na lagi niya 'yong ginagawa kapag may boring na lecture kami?

Nagpalakpalakan na ang mga tao dahil sa pagtatapos ng kanta. Pero ako, nakatingin pa rin kay Khaizer. At siya naman, biglang lumingon sa direksyon ko. Mukha pa siyang nabigla, pero agad ding ngumiti at nagsalita.

Sa kabila ng ingay ng paligad, sa kabila ng layo niya sa akin, naintindihan ko ang sinabi niya.

"Bakit?" Ayun ang nabasa ko sa kilos ng kanyang mga labi.

"Miss na kita," sagot ko nang walang boses.

Alam ko, mahirap 'yon intindihin. Pero aba? Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko na para bang naintindihan niya ang sinabi ko!

"Huy!" bigla akong siniko ni Melanie. "Kayo talaga! Mamaya na 'yan!" Sinenyasan niya ng tsupi si Khaizer. Natatawa naman nitong binalik ang tingin sa stage.

Sa pagkakataon na iyon, nakaramdam ako ng bahagyang pangamba. Pareho ang paaralang nais naming pasukan ni Khaizer para sa kolehiyo. Planado na ang mga kursong kukunin namin. Nakahanda na rin ang mga requirements na kailangan namin. Isa na lang ang kulang... Ang kumpirmasyon ng nanay ni Khaizer para sa plano niya. Hindi kasi niya nakuha ang gustong sagot mula rito nung huling beses na puntahan niya ito, dahil sa naging pagtatalo nila ng anak ng asawa nito.

Ngayon nga, naaawa ako kay Khaizer. Wala kasi sa pamilya niya ang um-attend nitong graduation namin. Buti na lang, nagkusa si Mama na asikasuhin siya kanina sa pag-aayos. Natuwa nga ako kasi ang cute mahiya ni Khaizer. At mas natuwa naman ang mga kaibigan namin dahil kasal na lang daw pala ang kulang sa aming dalawa. Mga loko talaga.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ