IKAAPAT

1.4K 65 2
                                    

IKAAPAT

BAKIT ba ako kinakabahan?

Bakit ba kasi kailangan ko pa 'yung gawin?

Napabuntung-hininga ako sa mga tanong na tinatanong ko sa sarili ko.

Lunes na ngayon. Balik school ako at siyempre, pati na ang seatmate kong si Khaizer.

Hindi kami nag-iimikan ni Khaizer mula pa nang magsimula ang klase ngayong umaga. Kung titingnan nga kami ay parang wala kaming naging interaksyon nung Sabado.

Pasimple kong sinulyapan si Khaizer na nasa tabi ko. Ang weird talaga niya. Para lang siyang may dinadamdam o pinagdaraanan. O baka ganyan lang talaga ang itsura niya since birth?

"Okay, sige class. You may take your break na." Sabi ng TLE teacher namin.

Nagbunyi ang buong klase. Isa-isa na silang nagsitayuan para kumain ng tanghalian. Habang ako, inatake na naman ng kaba.

Napapikit ako at nakasimangot na nagbuntung-hininga.

Tsk. Mama naman kasi! Nung kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin nung Sabado—well una, pinangaralan niya kami pareho ni Cloud. Hindi na siya nagalit kasi ganon naman siya sa amin bilang ina. Ayun bang kung naayos na ang problema, ano pang dapat ikagalit? Ganon siya mag-isip. At ang mahalaga para sa kanya ay may matutunan kami sa bawat pagkakamaling nagawa namin.

Tapos no'n... sobra siyang natuwa kay Khaizer. Ito raw kasi ang naging daan kaya nahanap ko kaagad ang kapatid ko; kaya naging maayos agad ang problema ko. At dahil sa pagkatuwa niyang iyon, ito, may inutos siya sa aking gawin.

Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang biglang pagtayo ng seatmate ko. Napadilat na tuloy ako at tiningala siya.

"T-teka, Khaizer." Pigil ko sa kanya bago pa siya nakahakbang paalis.

Huminto naman siya at niyukuan ako.

Nag-aalangan pa ako... Pero kailangan kong gawin itong inutos sa akin ni Mama kundi papagalitan niya ako.

Napasimangot ulit ako bago kinuha ang paper bag na nasa paanan ko at pinatong iyon sa desk ni Khaizer. Tinignan naman niya iyon at halos pagtaasan ng kilay.

"Nandiyan 'yung towel na pinahiram mo sa akin nung Sabado. At... uhm... may lunch din diyan na naka-tupperware. Pinabibigay sa'yo ni Mama bilang pasasalamat daw sa tulong mo no'n."

Nilipat ni Khaizer ang tingin niya sa akin. Base sa mga mata niya, mukhang bahagya siyang nagulat. Tapos tinignan niya ulit 'yung paper bag, tila pinag-iisipan pa kung tatanggapin niya ba iyon o hindi.

Okay, alam ko na ayaw niya 'yan. Halata naman sa itsura at kilos niya na hindi niya style ang tumanggap ng pagkain mula sa iba. Kaya kinakabahan ako na ibigay sa kanya 'yan eh. Ayaw ko kasing mapahiya.

So kaysa sa tanggahin niya pa 'yung pagkain na mukhang hindi niya alam kung paano tatanggihan at kaysa sa mapahiya pa ako...

"Ayos lang kung ayaw mo 'yung lunch, Khaizer. Ako na lang ang kakain." Binawi ko na lang 'yung paper bag nang may pilit na ngiti. "Itong towel na lang kunin mo."

Kinuha ko 'yung towel mula sa loob ng paper bag. At pagkakuha ko no'n, bigla namang hinatak ni Khaizer 'yung paper bag pabalik sa desk niya.

"Bakit mo 'to kukunin? Tinanggihan ko ba ha?" Sita niya sa akin.

Napanganga ako ro'n bago nakasagot.

"E-eh, hindi ka naman kasi nagsasalita! Tinitigan mo lang 'yan na para bang iniisip mo pa kung paano 'yan tatanggihan!"

Asar siyang napangisi at saglit na tumingin sa ibang direksyon. "Kakaiba takbo ng utak mo ha." Komento niya bago muling tumingin sa akin. "Hindi ba puwede na ang iniisip ko ay kung paano 'to tatanggapin kasi nahihiya ako?"

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Where stories live. Discover now