IKALABING SIYAM

890 37 4
                                    

IKALABING-SIYAM


"Alis na po ako, Ma! Pa!"

Lumabas galing kainan si Mama at nginitian ako—nang nakakaloko.

"Okay, anak. Ingat kayo ni Khaizer." sabi niya.

"Basta umuwi kayo bago magdilim, ha!" Pahabol namang sigaw ni Papa na abalang mag-ayos ng gripo sa kusina namin.

"Opo!" sigaw kong sagot, sabay ikot ng mga mata at tawa.

Kasi naman si Papa. Kung ano-anong naiisip. Ano bang akala niya? Gagawin na namin ni Khaizer 'yung iniisip niya kapag inabutan kami ng dilim sa labas? Eh kahit hindi naman kami abutan ng dilim, pupuwede namin 'yung gawin basta gustuhin lang namin. Basta gustuhin. At siyempre, wala pa iyon sa mga plano namin ni Khaizer ngayon.

Mula nang maging kami na dalawang linggo na ang nakararaan, ito pa lang ang unang pagkakataon na lalabas kami ni Khaizer para mag-date. Siya ang nag-aya, at siya na rin ang nagpaalam sa mga magulang ko para mailabas niya ako.

'Yung mga magulang ko, hindi naman sila ganon kahigpit sa amin ni Khaizer. Mula nang ipaalam ko sa kanila ang relationship status namin, pareho silang natuwa. Kaso nga lang, ayun si Papa, paranoid minsan.

Pagkalabas ko ng bahay namin, napakunot-noo at napakurap ako. Kakaiba lang. Dati-rati kasi tuwing may usapan kami ni Khaizer na magkikita, lagi ko siyang naaabutan na naghihintay na sa akin doon sa tapat ng front door ng bahay niya habang nakaupo at hinaharot si Snow. Pero ngayon, wala siya roon.

Tumuloy ako sa paglabas sa gate namin at lumapit sa gate ng bahay ni Khaizer. Humawak ako sa grills at sinipat ang loob, pero wala talaga ang lalaking 'yon.

"Psst! Snow!" Tawag ko na lang sa alagang pusa ni Khaizer na mag-isang nakaupo sa tapat ng front door at abalang naglilinis ng katawan na nababalot ng puting-puting mga balahibo. "Nasaan na amo mo?"

Napatigil si Snow sa pagdila sa isa niyang kamay bago tumingin sa akin.

"Meow," tipid niyang sagot, tila nagsusungit, bago bumalik sa ginagawang paglilinis ng katawan.

Napanguso ako. "Sungit! Medyo nagmana ka rin sa amo mong 'yon eh 'no?"

"Talaga?" Boses iyon ni Khaizer mula sa likuran ko na sobra kong ikinagulat. Sa tindi ng gulat ko eh halos napatalon ako bago umikot para hanapin siya. Nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng gate namin habang nakasandal sa batong bakod. Naka-usual getup siya—pants, shirt, sneakers at cap—'yung cap na niregalo ko para sa birthday niya, na suot na naman niya pabaligtad.

"Nakakagulat ka naman!" Sita ko sa kanya.

"Nakakagulat? O masungit?"

Natigilan ako saglit. Nakakahiya na narinig niya ang sinabi ko sa pusa niya—pero totoo naman 'yon eh!

"P-parehas!" Sagot ko sa kanya.

Natawa siya, bago umayos ng tayo at naglakad palapit sa akin. "Hindi na nga ako tatanggi. Kahit naman kasi ako, nasusungitan sa sarili ko. At minsan, nagugulat din."

"Ano?" Halos matawa rin ako. "Nagugulat ka rin sa sarili mo? Paano 'yon?"

"Oo kaya. Kagaya na lang nung nakaraang taon. Nagulat na lang ako no'n sa sarili ko nung..." Huminto na siya sa harapan ko sabay abot at hawak sa isa kong kamay. "Nung mapansin ko na mahal na pala kita."

Natigilan na naman ako. Pati paghinga ko, napatigil. Habang si Khaizer ay nakangiting nakatitig lang sa akin.

"Tara na." Sabi niya kasabay ng pagpisil sa kamay ko. Doon na ako muling nakahinga.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Where stories live. Discover now