IKAPITO

1.1K 50 3
                                    

IKAPITO


Lunes... Kabado akong pumasok sa school.

Hindi ko alam... O hindi sa hindi ko alam, kundi hindi ko lang maintidihan. Puwede namang ituloy ko na lang ang hindi pagpansin kay Khaizer para hindi ko na maramdaman ang kaba na 'to. Pero... mas pinili kong panindigan ang naging desisyon ko nung Sabado—ang ituloy ang pakikipagkaibigan ko sa kanya.

"Good morning, Shine!"

"Morning!"

"Hi, Sunshine!"

Nginitian ko lang ang mga kaklase ko na bumati sa akin, at mabilis na hinagilap ng paningin ko si Khaizer.

Nandon na si Khaizer sa seat niya. Lagi naman eh. Lagi na lang siyang nauuna sa akin na pumasok. And as usual, nagse-cellphone na naman siya.

Tahimik akong lumapit sa puwesto niya. Tahimik lang ako hanggang sa makaupo ako sa seat ko.

Sa pag-upo ko, napansin ko na saglit siyang napahinto sa paggamit sa cellphone niya. Agad ko naman naisipan na gamitin ang pagkakataon na 'yon para makausap na siya.

"Good morning, Khaizer." Bati ko sa kanya, at bigla na lang siyang naestatwa sa kinauupuan niya. "Uh, Khaizer?"

Doon na siya muling kumilos. Napakurap pa siya sa hawak niyang cellphone bago lumingon sa akin.

Napatitig ako sa mga mata niya. Nakita ko roon ang pagkabigla niya. Pagkabigla at hindi pagkapaniwala.

Grabe naman... Sobra ba niyang hindi inaasahan itong pakikipag-usap ko sa kanya ngayon? Akala ba niya ganon katigas ang puso ko para ituloy lang ang pag-iwas sa kanya, matapos ng mga ginawa niya para sa kapatid ko? Matapos ng pabor na hiningi niya sa akin?

Pero ah, nakakaaliw rin ang itsura niya ngayon. Gulat na gulat lang. Kaya mula sa pagtitig sa mukha niya ay napangiti ako at pigil na natawa.

Magpapaliwanag din dapat ako at hihingi ng sorry sa ginawa ko nung nagdaang linggo. Kaso dumating na ang teacher namin eh. Sayang...

Sunud-sunod ang pag-take over ng mga teacher namin sa klase namin. Wala kahit maiksi na oras silang iniwan in between subjects, kaya wala rin akong naging pagkakataon para magpaliwanag kay Khaizer. Ang ginawa ko na lang ay bumalik sa kung paano ko siya noon pakitunguhan bago ko siya iniwasan. Kung paano ako nakikipag-share ng textbook sa kanya, kung paano ko siya iniimik, kung paano ko siya nginingitian. Hindi naman siya mukhang nagtataka o naiilang sa akin. Nanatili lang siyang mukhang hindi makapaniwala sa ginagawa ko.

Hanggang sa wakas, dumating na ang lunch break.

"Khaizer..."

Sa pagtawag kong iyon sa pangalan niya ay naestatwa na naman siya sa kinauupuan niya. Eh ano ba 'to?

"Uy, ano ka ba... Hiniling mo na pansinin na kita ulit dito sa school, tapos hindi ka naman makapaniwala diyan ngayong ginagawa ko na 'yon." Sabi ko sa kanya.

Kumilos na ulit siya at nilingunan ako. At sa pagtama ng paningin namin, napapigil hininga ako.

Ano bang meron ang mga mata niya? Bakit... Bakit nakakaramdam na naman ako ng ganitong kaba?

"Sorry..." Mahina-hinang sabi ni Khaizer at natauhan ako. Mabilis bumalik sa akin ang mga bagay na pinaplano kong sabihin sa kanya.

"H-hindi, ano," medyo ngarag kong simula. "Ako—ako dapat ang nagso-sorry ngayon sa'yo eh. Bigla-bigla na lang kitang nilayuan nung nakaraan. Masyado akong nagpadala sa... sa mood swings ko. Sorry, ngayon ko lang naintindihan... Nakaka-frustrate 'yon sa parte mo.... Mahirap 'yung sinusubukan mong makipagkaibigan, tapos lalayuan ka na lang bigla nung tao nang walang malinaw na dahilan."

Tinitigan niya lang ako. Ikinailang ko naman iyon. Kaya ako na ang umiwas ng tingin. Kasabay no'n ay ang pagkuha ko sa paper bag na nasa ilalim ng desk ko.

"Uhm, oo nga pala. Nakuwento ko kay Mama ang ginawa mo kay Cloud nung Sabado. So, ito," mula do'n sa paper bag, nilabas ko ang laman no'n na tupperware at kutsara't tinidor na nakabalot ng tissue. "Ginawan ka niya ulit ng lunch. Fried chicken ulit ang ulam."

Nilipat ni Khaizer ang tingin niya sa tupperware na pinatong ko sa desk niya. Ang mga mata niya, kulang na lang eh magningning dahil sa binanggit ko na fried chicken. Pigil akong natawa roon.

"Ayieee! Iba na 'yan!" Tukso bigla sa amin ng isa naming kaklase na napadaan sa puwesto namin. Automatic namang napa-ayie rin ang iba.

Jusko, ito na naman sila. Lalo tuloy akong nailang. Pero hindi na ako magpapaapekto.

"Mga adik," sabi ko sa kanila.

"Huwag nga kayo! Tigilan niyo nga sila!" Woah. To the rescue si Melanie, the national tudyudera! Katabi niya si Yumi na mukhang nahihiya habang hinahatak ang sleeve niya. "Alam niyo namang taken na si Shine eh, tinutukso niyo pa sa iba. At huwag talaga kayo! May nagseselos dito eh!" Sabay turo kay Yumi.

Napatakip ng mukha si Yumi kasabay ng muling pag-ayie ng mga kaklase namin. Mukhang hindi iyon kinaya ni Yumi. Napatakbo siya palabas ng classroom. Grabe, pulang-pula ang mukha niya. Sinundan siya ni Melanie at naiwan ang classroom namin na may munting tawanang nagaganap.

Nang balikan ko ng tingin si Khaizer, nabahala naman ako sa itsura niya. Medyo badtrip. Mukhang ayaw niya ring natutukso kahit kanino. Pero... si Yumi iyon. Magandang babae. Matalino. May lahi. Crush ng mga lalaki dito sa school namin. Kaya imposibleng wala siyang gusto kay Yumi, at imposibleng hindi siya matuwa sa nararamdaman nito para sa kanya. Kaya bakit mukhang naba-badtrip siya?

Ah, hindi... Baka naiilang lang itong si Khaizer at nahihiyang ipakita ang totoong nararamdaman. May mga tao pa namang ganon talaga. Naiilang kapag tinutukso sa taong gusto nila.

"Khaizer, kain ka na." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko siyang huminga nang malalim bago binuksan 'yung tupperware. At nang mabuksan na niya iyon, natulala siya sa itsura nung pagkain. Inayusan ko kasi ulit 'yung kanin gamit ang mga piraso ng mixed vegetable. Pero hindi gaya nung huli na nakasimangot na itsura ang ginawa kong ayos, ngayon naman ay nakangiti na.

Ngumiti ako roon habang hinihintay ang epekto no'n kay Khaizer. Alam ko namang mapapangiti rin siya. At napangiti nga rin siya. Pero... somehow... parang... Parang iyon ang ngiti na hindi ko inaasahan sa kanya. Kaya napanganga na lang ako habang ninanamnam ng aking paningin ang naging ngiti niya.

Ang mga mga mata niya... Ang nga kabi niya...

At ito na naman ang kaba sa akin. At ito na naman ang pagpipigil-hininga ko.

Bakit... Bakit?

"Ikaw," tinignan akong muli ni Khaizer. "Anong lunch mo?"

"L-lunch?" Halos walang boses kong sabi. "Ah, lunch?" Medyo nilakasan ko na ang boses ko, tapos natawa ako.

Mukha kang tanga, Sunshine!

Tumayo na ako nang tumatawa pa rin.

"Wala akong baon ng ano, ng pang-akin. Hindi kasi talaga ako mahilig sa fried chicken so hindi ako nagbaon. Bibili na lang ako sa baba. At ikaw—kain ka lang diyan ha? Iwan mo na lang dito sa table ko 'yung lalagyan 'pag matapos ka kumain. Sige."

Medyo madali akong lumayo sa kanya. Nang makalabas na ako ng classroom, napahawak ako sa dibdib ko habang patuloy na naglalakad.

Okay na. Nakakahinga na ako nang maluwag.

Okay na... Okay lang 'to.


—TBC

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora