IKALIMA

1.3K 58 0
                                    

IKALIMA

Kinabukasan... Ako lang ba o ano? Pakiramdam ko kasi, nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko nung makapasok ako ng classroom namin. Agad nga lang nawala ang atensyon ko sa kanila dahil kay Khaizer.

Nakaupo na ang seatmate kong iyon sa puwesto niya. Natuwa ako ro'n kasi may gusto akong sabihin sa kanya. Kaso... abala naman siya sa pagce-cellphone.

Napabuntung hininga ako nang makarating ako sa seat ko. Nang makaupo na ako, tiningnan ko si Khaizer. Abalang-abala talaga siya sa cellphone niya. Napabuntung hininga ulit ako do'n bago tinuon ang paningin ko sa labas ng bintana.

Maganda na ang panahon. Umaaraw na. Naalala ko tuloy 'yung tinanim kong mga sunflower doon sa Botany area ng school. Hindi ko pa rin nakikita ang mga iyon magmula nang itanim ko. Hinarangan na kasi ng school officials 'yung daan papunta do'n dahil kay Bruno. May nakahuli na kasi sa kanya na doon dumadaan para makalabas ng campus at mag-cutting. So ngayon, totally restricted na ang lugar na iyon sa lahat ng estudyante.

Nagpangalong-baba ako at pumikit. Pero dumilat din ako agad at muling tinignan si Khaizer, baka sakaling hindi na siya abala sa cellphone niya. At nakaramdam naman ako ng kaba dahil nagkasabay kaming mapatingin sa isa't isa.

Kaba? Bakit naman ako kinabahan?

"Bakit?" Tanong ni Khaizer sa akin.

"H-huh?" At ako naman itong hindi naintindihan ang tinanong niya.

"Sabi ko, bakit? Para kasing may gusto kang sabihin sa akin."

"Ah," doon ako natauhan at nakaalala. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? "Oo nga, may gusto akong sabihin."

Patuloy lang akong tinitigan ni Khaizer, tila hinihintay kung ano ba ang gusto ko sanang sabihin. Kaya tinuloy ko lang ang pagsasalita.

"Si Cloud kasi, 'yung kapatid ko, gus—"

"Alam kong kapatid mo siya."

Ako naman ang napatitig sa kanya.

Okay... Sabi ko nga eh, alam niya na kapatid ko si Cloud.

Salamat sa pambabara ha, Ranillo?

"Anong meron kay Cloud?" Tanong niya at in all fairness, nasa boses niya ang pagka-interesado sa kapatid ko. Nakakatuwa, pero naiinis din ako dahil sa ginawa niyang pambabara sa akin. Naikutan ko tuloy siya ng mga mata bago ako sumagot.

"Gusto niya sanang mapanood ka ulit na mag-basketball. Kung puwede lang naman, kapag doon ka ulit sa village namin naglaro."

"Puwede naman." Walang pag-aalinlangan niyang sagot na ipinagtaka ko.

Muli kong tinignan si Khaizer. Nakatingin pa rin siya sa akin at may sinseridad naman sa itsura niya. Mukhang gustung-gusto niya lang ang kapatid ko. Siguro, only child lang 'to.

Bumalik siya sa pangangalikot ng cellphone niya. Inisip ko naman na ayun na ang pagtatapos ng pag-uusap namin. Pero hindi pala, dahil bigla niyang inabot sa akin 'yung cellphone niya.

"Lagay mo number mo, para ma-text kita kapag nandoon ako sa court niyo." Sabi agad ni Khaizer bago pa ako magtaka at magmukhang tanga sa ginawa niya. "Ayos na ba pala phone mo?"

"Ah, oo." Sagot ko—nang dumating na ang first subject teacher namin. Kinuha ko pa rin ang cellphone niya sa kabila no'n. Mabilis kong tinype ang number ko roon at agad binalik iyon sa kanya. "Ayan. Abangan na lang namin ni Cloud text mo ha?" Habol kong sabi bago kami tumayo kasabay ang buong klase para batiin ang teacher namin.

Pareho na kaming tumahimik ni Khaizer matapos no'n. Pero mayamaya eh nag-usap din kami ulit dahil sa pagshe-share namin sa textbook ko. Ako ang unang nagsasalita at tumutugon naman siya. At... medyo unusual iyon. Dati naman kasi, hindi kami nag-iimikan kahit naghahati kami sa textbook ko.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon