IKASAMPU

1.2K 50 7
                                    

IKASAMPU


"Tara na, Cloud!"

Tumalon si Cloud sa huling baitang ng hagdanan namin at saka tumakbo palapit sa akin. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko nung akayin ko na siya palabas ng bahay.

Ang saya-saya na naman nitong kapatid ko. Gaya nung nakaraan lang na Sabado, nag-jersey na naman siya ngayon para sa panibagong basketball training nila ni Khaizer.

Tumupad si Khaizer sa sinabi niya sa akin kahapon bago siya umuwi. 3pm, nandon na nga siya talaga sa court ng village namin. Actually, 2:30 pa lang nung tumawag siya sa akin at sabihing nandoon na siya.

Buti na nga lang at tinawagan ako ni Khaizer. Kung hindi kasi, aakalain kong hindi na matutuloy ang training nila ngayon. At panigurado, ikalulungkot iyon ni Cloud. Narinig pa naman ng kapatid kong iyon ang pagpapaalam ko sa nanay namin kagabi tungkol dito.

Pagdating namin ni Cloud sa court, isang ngiti mula sa isang Khaizer Ranillo ang bumungad sa amin. Suot-suot ang usual niyang basketball outfit—sleeveless black shirt, jersey shorts, rubber shoes, at cap—nakatayo siya sa ilalim nung ring, nagdi-dribble ng bola habang nakaharap sa papasukan namin ng kapatid ko. Mukhang hinihintay niya ang pagdating namin.

Agad na bumitaw sa akin si Cloud pagkakita namin kay Khaizer. Yakap ang sarili niyang bola ay tumakbo siya palapit sa kaklase kong iyon. Well, gaya lang ulit nung nakaraang Sabado.

Pero unlike ng ginawa ko nung nakaraang Sabado, lumapit na ako ngayon sa pinaglalaruan nila. Doon sana ako pupuwesto ng upo sa bench kung saan nakapatong ang bag pack ni Khaizer, kaso may pusang nakahiga roon—'yung puting pusa na kumausap sa akin no'n!

Bakit nandito na naman 'to?

Tumingin ako sa paligid bago binalik ang tingin doon sa pusa. Baka gala lang talaga siya, at tambayan niya ang lugar na 'to.

Niyakap ko ang dala kong bag pack ni Cloud at pinanood ko silang maglaro. One-on-one ulit sila. Si Khaizer ang nasa depensa, at si Cloud ang seryosong umaatake gamit ang maliit niyang bola.

Napangiti ako habang nanonood. Ang cute nila.

Pero si Khaizer, sa tingin ko, dapat talagabg maging basketball coach o trainer imbis na teacher. Magaling naman kasi talaga siya magturo, pero hindi sa klase, kundi aa ganitong laro.

Or... puwede ring maging teacher nga siya. Pero PE teacher.

Kaya lang, napangiwi ako habang ini-imagine ang naglalaro ngayong si Khaizer bilang isang PE teacher sa hinaharap.

Hindi talaga eh... Ang hirap i-imagine ang bagay na iyon.

Eh kung... mag-professional basketball player na lang kaya siya?

Napatango ako sa naisip ko. Mabilis at perfect ko 'yung na-imagine mula sa kasalukuyang pagba-basketball ni Khaizer. Dumagdag nga lang sa imagination ko ang... maraming babae na nagchi-cheer sa kanya. Mga babaeng tumitili, humahanga, nagmamahal.

Nagmamahal...

Natulala ako kay Khaizer. Sa mga mata niyang nakatutok sa kapatid ko... Sa mga labi niyang nakangiti... Sa bawat galaw ng mga braso at binti niya... Natauhan na lang ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Doon ko napansin na napapigil-hininga na naman pala ako. Tinuro niya pa ako habang may sinasabi kay Cloud. At ang sunod ko na lang na kumuha ng atensyon ko ay ang pagtakbo ni Cloud palapit sa akin dala-dala ang sariling bola.

Nagtaka pa ako kung bakit, pero ayun pala ay ipapahawak lang sa akin ni Cloud ang bola niya. Nung bumalik siya kay Khaizer, 'yung bola na nito ang ginamit nila. Kitang-kita ko sa mukha ng kapatid ko ang pagkatuwa nang mahawakan niya ang bolang 'yon kahit ba halata na medyo hirap pa siya. Bukod kasi sa mas malaki iyon kaysa sa bola niya, sa pagkakaalam ko ay mas mabigat iyon nang kaunti.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Where stories live. Discover now