Chapter 1

20.6K 353 41
                                    


What comes after Shatterday? It's Sadday...

.

.

Vanessa, may message ka... Vanessa, may message ka...

Nagising ako sa recorded voice ng bestfriend kong bakla na ginawa kong text message alert.

"Mmmm..." Gising na 'ko, gusto kong sabihin.

Ouch!

Nasapo ko ang ulo ko at idinilat ang mga mata ko. It feels like my head is going to split into pieces.

Maliwanag na sa labas ng bintana. The clock says it's already 9:30 in the morning. What happened last night? Paano ako nakauwi dito sa apartment building na tinutuluyan ko?

Bigla kong naalala si Jeff. Agad na tumulo ang mga luha ko sa pagkaalala sa taksil na lalaking minahal ko ng wagas. Kahit anong punas ang gawin ko sa mga mata ko gamit ang malambot kong kumot ay hindi pa rin nagpapaawat ang mga luha kong hindi na yata maubos-ubos mula pa kagabi.

Two years ko nang boyfriend si Jeff. Marami na kaming nabuong mga pangarap. Gusto naming magpakasal sa Tagaytay, magtayo ng two-storey house sa isang subdivision sa Cubao, magkaroon ng tatlong anak...

Ngunit kahapon, nang yayain ako ng mga officemates kong mag-nightclubbing sa Cubao, nakita ko siya sa isang madilim na sulok kasama ang isang babaeng hindi ko kilala. Lalapitan ko na sana nang bigla niyang tinuka sa bibig ang babaeng haliparot. Hindi pa sila nakuntento sa pagtutukaan, kumandong pa ang babae sa kanya. Para silang mga bagong kasal na nagha-honeymoon sa isang hotel. Wala silang pakialam sa mga tao sa paligid.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinugod ko sila at sinabuyan ng beer na nasa mug. Nagwala ako at nag-eskandalo. Nagkasagutan kami at naghiwalay doon din mismo sa maingay na lugar na 'yon. Mabuti na lang at ang ever understanding kong bestfriend ay naroon... si Alex.

Bakla si Alex, pero kapag nag-makeup siya, mas maganda pa siya sa akin. Hanggang balikat ang buhok niya, medyo kulot. Bestfriend ko siya mula high school. Ngayon, twenty-five years old na ako at twenty-six na siya, magkasama pa rin kaming nagtatrabaho sa iisang opisina.

Sa loob ng sampung taong pagkakaibigan namin, marami na kaming pinagdaanan. Kasama na roon ang pag-agawan ang mga gwapong lalaki sa campus noong college days namin. Pero sa lahat ng problema ko, tanging si Alex lang ang karamay ko. Siya lang ang pwede kong tawagin sa lahat ng pagkakataon.

Kagabi, inawat niya ako sa pagwawala. Dinala niya ako sa ibang bar two blocks away upang mailayo kay Jeff at kahit paano'y mapakalma ako. I drank some more until umiiyak na ako at tumatawa na parang baliw habang mistulang tubig na lang ang alak na iniinom ko.

Sa pagkakaalala ko, biglang tumawag ang boyfriend ni Alex na si Carl. He went outside to take the call dahil maingay sa loob. After a while, binalikan niya ako at niyayang puntahan si Carl na nasa isang bar sa Makati. Kaso sa halip sumama, inaway ko pa siya at itinaboy. Ano nga ba ang sumunod na nangyari? Did I just went home alone?

Muli akong napatingin sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Inabot ko ang cellphone sa tabi ng unan ko at tiningnan kung may message ba ako.

4 messages received

Tatlo galing kay Alex, isa galing kay Jeff...

Vanessa, are you awake now? How are you feeling?

Hey, are you okay? Text back.

Are you still sleeping? Please text me when you wake up.

THE NIGHT HE STOLE ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon