Chapter 20

12.4K 355 53
                                    


I found it hard to believe... I heard everything that Alex told me, but I can't seem to believe it. How could he? We've slept together for countless times before. Mula noong college, ilang beses na kaming natulog nang magkatabi at magkayakap. Did he feel awkward during those sleepovers?

Pinakiramdaman ko siya, nakayakap pa rin siya sa akin. He never let go. Para bang tinitiyak niyang hindi ako makakatakbo palayo habang nagkukuwento siya.

"Vanessa, I want you to know this. I know what I did was wrong, but I'm not sorry," sabi pa niya sa gitna ng pananahimik ko.

What? I wanted to snap at him pero he hugged me tighter.

"Every time I look at Ven, I feel proud. Like I'm the happiest man in the whole world. Maybe you would have wanted it if Jeff was the one who took you home. But if I let that happened, I would have regretted it."

I finally snapped, "At sino ang may sabi sa 'yong mas gusto kong si Jeff ang nakasama ko nang gabing 'yon?"

I turned around at naiinis na sinalubong ko ang mga mata niya. Isang malaking 'ha?' lang ang nakita ko ro'n.

Napayuko ako at sumubsob sa dibdib niya. I gathered some strength to say my next words...

"Kahit na nagalit ako dahil sa ginawa mo na binago mo ang buhay ko, tapos nagsinungaling ka pa sa akin... Kahit na isinumpa ko noon ang buong mundo at nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay... Kahit na ang pakiramdam ko, ako ang pinakakawawang nilalang sa sanlibutan... I'm glad it's you."

He slid down para magkatapat ang mga mukha namin.

"Pwedeng pakiulit ng last part?" Nakangiting idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"I'm glad it's you..." Nahihiya pang ulit ko.

"Kahit na medyo seloso ako?"

Bahagya akong umatras para matitigan siya sa mga mata, "Seryoso ka? Nagseselos ka talaga?"

Lumabi siya at bahagyang tumango.

"Bakit ka naman magseselos? Akala mo naman kaya kong magtaksil?" Umirap ako.

"Hindi naman sa gano'n. Natatakot lang akong baka agawin ka ng iba sa akin. Syempre may past kayo ni Jeff, 'di ba? Saka 'yong sino nga 'yong na-meet mo sa coffee shop? Talagang hindi ako mapakali dahil parang naging interesado ka do'n." Yumakap ang kamay niya sa beywang ko.

"Eh, si Carl? Anong pinag-usapan n'yo kanina? Parang ang saya n'yo pa," hindi ko ikinubli ang inis sa boses ko.

"Ah, 'yun ba? Wait lang," kumalas siya sa akin at tumayo. Tinungo niya ang bag niyang pang-opisina na nakalagay lang sa rack sa tabi.

Napaupo ako sa gilid ng kama at sinundan lang siya ng tingin. May kinuha siya doon saka sinindihan ang ilaw. Iniabot niya sa akin ang isang puting envelope na may pabulaklak na ribbon.

Napasinghap ako nang buksan ko 'yon.

"We're invited to his wedding next month," nakangiting wika niya.

Tinitigan ko ang picture ni Carl at ng mestisahing babae na yakap-yakap nito.

"Chatmate daw niya 'yan. Nurse sa Singapore, pero Pinay din," umupo si Alex sa tabi ko at niyakap na naman ako.

"Buti naman at mag-aasawa na siya," itinupi ko na muli ang wedding invitation card at ipinatong sa bedside table.

"Nagselos ka kay Carl?" Sinilip niya ang mukha ko. Ang ganda ng ngiti niya.

Lumabi lang ako at inirapan siya.

"Kinikilig naman ako... I love you!" Hinagkan niya ako sa gilid ng labi ko.

"Kelan pa?"

"Matagal na kaya. Hindi mo ba naramdaman?" May himig pagtatampo na sabi niya.

Sabagay, kung babalikan ko ang lahat, marami na ring nagawa si Alex para sa akin mula pa noon. Kahit noong kapwa pa kami mga college students, marami na kaming pinagdaanan.

Bigla akong napapitlag nang may naalala...

"Umamin ka, pinagnasaan mo ba ako tuwing sleepover noong college tayo?"

"Hindi 'no! Promise! Nababanguhan lang ako sa 'yo pero hindi ako na-arouse. Sorry!"

"Pero, kailan naging ganitong uri ng pagmamahal mula sa simpleng pagmamahal kaibigan lang?"

"Noong ni-rape mo ako," taas-noo pang wika niya.

"Ang kapal!" Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ouch! Totoo naman eh! Napilitan lang kaya ako! Gusto mo magsumbong ka pa kay Tulfo."

"Nakakainis ka naman eh! Sumeryoso ka nga!"

"Seryoso ako, mahal talaga kita. Hindi na kailangan kung kailan kita minahal. Basta't mahal kita," aniyang sumeryoso na nga.

Naluluhang niyakap ko siya.

"Oi, sabi ko mahal kita. Wala man lang bang sagot?" Hinagod niya ang buhok ko.

Kumalas ako at natatawang tiningnan siya sa mukha. "Ngayon ka pa ba manliligaw?"

"Oo eh. Alam mo namang torpe ako. Ang hirap kumuha ng tyempo. Sige na, sumagot ka na," natawa na rin siya.

"Ikaw lang ang alam kong torpe na mapilit."

"Kapag pinalampas ko ang pagkakataong 'to, baka hindi na maulit. Sayang naman."

"Oo na, mahal din kita. 'Di ko lang din alam kung kailan nagsimula at hindi na rin mahalaga 'yon. Basta ang alam ko, hindi ko kaya kung wala ka sa buhay ko. Kayong dalawa ni Ven ang pinakamahalagang pangyayari sa buong buhay ko."

He sighed, hugged me, and gave me a deep passionate kiss that always made me forget everything. I kissed him back and this time, we made love without any hesitation.

.

.

.

Na-promote si Alex sa trabaho that year. Nasundan naman si Ven ng isang healthy baby boy after two years. I started an online shop at parang swerte din na maganda ang takbo ng pinasok kong business. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko.

May mga pagkakataon pa rin namang napapatili si Alex kapag nagugulat. Malumanay pa rin siyang magsalita. Siya pa rin ang make-up artist at fashion designer namin ni Ven kapag may okasyon. Pero, he is a loyal and loving husband to me, and a protective and perfect father to our kids.

.

.

.

.

THE END

...

THE NIGHT HE STOLE ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon