Chapter 13

5.6K 166 4
                                    


"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..."

Napuno ng mga munting tinig na 'yon ang may kalakihan din namang kwarto sa second floor ng paboritong fastfood ni Ven. Fifth birthday niya. Invited ang lahat ng mga kaklase niya sa kinder.

"Parang kelan lang, 'no? Five years old na siya ngayon," nakangiting wika ni Alex.

"Salamat ha?" Nakangiting bumaling ako sa kanya.

"Salamat para saan?" Nagtatakang tanong niya.

"Sa pagmamahal at pagtitiyaga mo sa aming mag-ina."

"Ano ka ba? Sa pagmamahal, you're welcome. Sa pagtitiyaga, sorry, but you're stuck with me. Wala ka nang choice kundi pagtiyagaan din ako," kinabig niya ako at niyakap.

"Ikaw talaga!" Kahit ano ang sabihin ko, kaya niyang ibalik sa akin.

The party went smoothly. Walang batang umiyak, walang nagwala, lahat ay masaya. Nang magsipaalam na ang lahat, kinarga na rin ni Alex ang inaantok na si Ven. Agad umunan ang bata sa balikat ng daddy at hindi na kumibo.

"Restroom lang ako saglit," paalam ko nang pababa na kami ng hagdan.

Tumango lang si Alex. Napangiti ako dahil nakapikit na ngayon si Ven sa balikat ng kinikilalang ama. Kahit ang bata ay kumportable sa balikat ni Alex.

Matapos kong gumamit ng banyo, deretso na sana ako ng entrance. Natitiyak ko kasing naghihintay na sa kotse ang mag-daddy. Kaso, may nahagip ang mga mata ko. Isang pamilyar na polo shirt...

Kinakabahang napatitig ako sa lalaking naka-blue and white polo shirt na ngayon ay paakyat na ng hagdan patungong second floor, habang ang mga mata nito ay nakatutok sa hawak na cellphone.

I know him!

Wala sa sariling sinundan ko ang lalaking paakyat ng hagdan. Lalo lang akong nabingi sa sobrang kaba nang matiyak kong tama nga ako, si Jeff nga ang lalaking 'yon! Nandito na siya sa Pilipinas...

I have to talk to him!

Humakbang pa ako palapit sa hagdan upang sundan si Jeff nang biglang may kamay na humawak sa balikat ko. Nagulat ako dahil paglingon ko, seryosong mukha ni Alex ang nakita ko. Walang sabi-sabing ibinigay niya ang nahihimbing nang si Ven sa akin. Maagap ko namang tinanggap ang anak ko na hindi man lang nagising. Agad tumalikod si Alex, palabas ng fastfood.

Galit ba siya? Ni hindi ko man lang naisip na hihintayin pala niya ako. Akala ko ay sa kotse na siya maghihintay.

Muli akong lumingon sa bandang itaas ng hagdan bago tuluyang sumunod kay Alex. Wala na ang lalaki, pero natitiyak kong si Jeff talaga 'yon. Hindi ako maaaring magkamali.

Tahimik si Alex habang nagmamaneho pauwi. Wala ang usual niyang mga ngiti. Is he mad?

Hindi malabong nakita niya si Jeff. At ang pinakamasamang nakita niya, ay sinubukan kong sundan si Jeff. I messed up. I wasn't thinking clearly nang nakita ko si Jeff for the first time after almost six years. All I wanted was to talk to him about 'that night' and confirm na siya nga ang ama ni Ven.

Of course, ayaw ni Alex ng gano'n. May karapatan siyang magduda at ma-insecure.

How about me? Wala ba akong karapatan na malaman ang katotohanan?

Pagdating namin sa bahay, kinuha niya si Ven sa akin at marahang inilapag sa kama nito. Tumuloy naman ako ng banyo at naglinis ng mukha saka nagbihis. After I put on a peach colored shirt, nakita ko sa salamin na nakatayo na pala sa likuran ko si Alex. Kanina pa kaya siya nakatayo sa pintuan ng banyo?

His face is a bit softer now compared to how stern it looked moments ago. Has he calmed down? Nevertheless, I have to break the silence.

"Sorry kanina... Nagulat lang siguro ako nang makita ko si Jeff," napatingin ako sa mga pala niya. Hindi ko alam kung kaya kong salubungin ang mga mata niya kapag magalit siya.

Humakbang siya palapit sa akin. Muli akong napatingin sa mga mata niya, looking for some warning. Instead, I found some uncertainty.

???

"Do you still love him?" Malayo sa hinagap kong tanong niya.

Saglit lang akong natigilan. No! Maagap na saglit ng isip ko. Ayaw lang lumabas ng salita sa bibig ko. Nagulat ako sa takbo ng isip niya.

"Bakit 'yan ang tanong mo?"

"Just answer me. Do you still love him? Are you going to leave me?"

Napasinghap ako nang ma-realize ko ang insecurities niya. Aged akong yumakap sa kanya, mahigpit.

"No, and no. I don't love him anymore and I'm not going to leave you."

"Yon lang ang kailangan kong marinig." He hugged me tighter and kissed my hair.

Relief flooded through me. Hindi siya galit. Sa tuwa ko, I let out a chuckle.

"Tanong nakakatawa?" Nagtaka tuloy siya.

"Akala ko pa naman, selos ka na," nakangiting tiningala ko ang mukha niya.

Saglit niya akong tinitigan, waring iniisip kung ano ang isasagot niya sa akin.

Uh-oh! Kapag ganito siya, malamang hindi ako makakasagot sa sasabihin niya.

Kumalas na ako at yayayain ko na sana siyang matulog, nang muli siyang magsalita.

"Selos nga ako." Mahinang sabi niya.

Muli akong napatingin sa kanya, saglit na natulala.

Wait, relax... Iba ang selos sa insecure. Though in some people's language, they can be the same. But not in mine. Maybe that's what it is... He's just insecure, not really jealous.

"There's no need for insecurities. Nandito lang kami ni Ven," muli ko siyang niyakap and out of some inexplicable feeling, I kissed his chin.

Hindi ko maipaliwanag, but every time our skin touched, I feel comfortable. I feel like I belong in his arms. That's why I can fall asleep easily kapag yakap niya ako.

Then yumuko siya at hinagkan ako sa mga labi. The world froze. Maybe I wanted it to freeze even just for a while longer. Every time we touch, I want more... Every time we hug, I want more... Every time we kiss, I want more... Even though I never feel empty kapag magkatabi kami, I still want more...

The kiss deepened. My blood raced. Maybe because my heart is beating so fast like crazy now. Ang damit na kakasuot ko lang, nasa sahig na ngayon. His lips never left mine but his hands caressed me, sending electrifying warmth all over my body.

I wanted to suggest a bed, but I can't speak a word for fear of breaking the magic moment. I just let him lead me to that most coveted experience I seldom have.

"I love you..." He whispered...

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now