Chapter 18

6.5K 182 2
                                    


What really happened six years ago

Alex's POV

Part 1

.

.

.

.

"Vanessa, that's enough. Lasing na lasing ka na..." Sinubukan kong awatin ang best friend kong nagpapakalunod na sa alak dahil sa matinding sama ng loob.

"Nooo... Lubayan mo koh! Hindeng-hinde mo mantindihan ang nararamdaman ko ngayooon..." At ngumawa na naman siya.

Pang-ilang iyak na ba niya ito?

I clenched my fist. That jerk Jeff! I swear uupakan ko na talaga siya kapag lumapit pa siya ulit kay Vanessa. Ano ba naman kasi ang nakita ng babaeng ito sa kanya?

"Shabeh niya, mahaal na mal niya koo. Ayop sha," at nagsimula na naman siyang maglitanya. Ni-recall niya kung paanong nanligaw ito noon, lahat ng mga pangako nito, pati na ang mga plano nila for the future. Narinig ko na ito dati sa kanya, pero puno ng saya ang boses niya noon. Ngayon, puno siya ng pagdadalamhati.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pantalon. Si Carl, tumatawag.

"Vanessa, tatanggap lang ako ng tawag sandali. Maingay dito. Lalabas lang ako saglit," paalam ko.

Hindi niya ako pinansin. Patuloy siya sa pagbabalik-tanaw ng kahapon nila ni Jeff. I decided to go out of the bar and take the call.

"Sweetie, busy ka ba ngayon?" May lambing ang boses ni Carl, but in my present situation, I don't have time para kiligin sa lambing ng boyfriend ko.

"Medyo..." Sumilip ako sa pinto at tinanaw si Vanessa sa kinauupuan nito. She's slapping the bar counter. I bet she's still ranting.

"But I need you right now, my sweet! Can you please come over?" He sighed.

Sabi ko na nga ba may kailangan 'to, eh!

"Please?" He pleaded nang hindi ako nakasagot agad.

"Kaso, mas kailangan ako ni Vanessa ngayon. She's having a problem and might run into trouble."

"Then bring her along. Nandito ako sa favorite bar natin sa Makati. I'll be waiting here for you, sweetie. I love you! I miss you so much!"

"Wai..." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. I swear, this man just can't understand the essence of friendship.

Binalikan ko si Vanessa na halos nakapikit na ang mga matang namumugto.

"Vanessa, lumipat tayo ng bar. Come on," yaya ko sa kanya.

"Baket? Nakakaishtorbo naba ko dito? Nakakahiya na ba? Ayaw mo na rin shakin?" Pati ako ay tinira na niya.

"Hindi, ano ka ba? Tumawag si Carl, he's inviting us over to another bar in Makati. Kaya let's go."

Naningkit ang mga maga na niyang mata.

"How dare you talk about your boyfriend! You know how I feel!" Hinampas niyang muli ang mesa.

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now