Chapter 9

6.5K 185 10
                                    


I tried my best to act normal the next morning. Ayokong mailang si Alex. Lalo na sa harap ng ever observant na si Ven. I'm glad he seemed okay. Parang wala lang nangyari kagabi.

I served them their favorite breakfast, corned beef kay Ven, bacon with egg naman kay Alex.

"Mom, why are you eating leaves?" Tanong ni Ven na tumigil talaga sa pagkain para lang panoorin akong kumakain ng talbos ng kamote.

"It's good for the health!" Binigyan ko ng matamis na ngiti ang anak ko na takang-taka dahil minsan na niyang tinikman ang talbos ng kamote at talagang hindi niya nagustuhan.

After breakfast, naglaro na si Ven sa kanyang room. May isang oras pa bago ang pasok niya sa school. Pumasok lang si Alex do'n upang mag-goodbye kiss. Pagdaka ay inihatid ko na siya sa main door. There, I felt the tension slowly building up. Inayos ko ang kuwelyo ng green niyang polo shirt.

"Bye, ingat sa pagmamaneho," mahinang wika ko.

"Thanks! Kayo rin mamaya," yumuko siya upang hagkan ako sa pisngi just like he usually do every morning.

Ewan kung bakit biglang umandar ang kakulitan ko. Sinalubong ko ang mga labi niya. Nagulat siya kaya pinagtawanan ko tuloy.

"Why are you teasing me?" Napangiti siya, pero namumula. I swear, ang cute niyang tingnan kapag namumula siya. Huwag lang galit.

"What's wrong with it? I'm your wife," may bahid pa ng panunudyong wika ko.

Saglit siyang natigilan. Saka nakangiting pinisil ang ilong ko bago tuluyang tumalikod.

Natatawang pinuntahan ko na si Ven sa room niya. I have to get her ready for school in a while. Nakipaglaro lang ako sa kanya ng saglit bago ko siya isinabay sa shower.

.

.

.

Nang makita kong settled na sa upuan niya si Ven inside the classroom, I waved my goodbye to her. Ngiti at wave din ang itinugon niya. I headed to my usual spot in the coffee shop. Umorder lang ako ng espresso saka nagbukas na ng laptop ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga emails nang may umupo sa harap ko. Hindi ko 'yon pinansin. This is a coffee shop, natural lang na may uupo sa harap ko.

"You seem busy," hindi nakatiis, nagsalita na ang nakaupo sa harap ko.

Pag-angat ko ng mukha, nakilala ko ito. Ang lalaking nakabangga ko kahapon.

"Good morning, Vanessa," nakangiting bati niya. I felt uncomfortable when I heard my name being spoken by a stranger, in a very familiar way.

"Good morning. Nagbabasa lang ng email. Is there something I can do for you?" Ibinalik ko ang atensiyon ko sa panghuling email sa inbox ko.

"Wala naman. After meeting you yesterday, something told me, magkikita pa tayong muli. I just tried this place again and here you are," nakangiting nagkibit-balikat siya.

Amazing! Nais kong sabihin. Pinigil kong magpakita ng inis. Still, I didn't smile or even look up. Done with the email, I started on working. I got two translation-jobs for today. Kunti lang. Maybe I should take this Japanese kid looking for an English tutor. It would be fun.

I worked without being disturbed for more than an hour. Akala ko tuloy ay umalis na ang lalaking nakaupo sa harap ko. But when I stole a glance, he was still there, reading a book while luxuriously sipping his coffee.

I sighed. Is he trying to prick on my conscience?

Nang matapos ko ang ginagawa ko, nando'n pa rin siya. Tahimik na nagbabasa ng makapal na aklat ng Taxes and Politics.

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now