Chapter 14

5.7K 168 4
                                    


Hindi ko rin napigil ang sarili ko. I searched Jeff's account on Facebook. Na-block ko nga pala siya noon, I had to undo that. Nang ma-unblock ko na, hindi ko rin makita ang mga post niya dahil naka-private ang account niya. Now it would hurt my pride kung magse-send ako ng friend request sa kanya.

I spent a few more minutes just contemplating kung magse-send ba ako ng friend request or magme-message na lang ako. Then I glanced over at Ven's direction. Nakasalampak siya sa sahig, watching Rise of the Guardians sa DVD, with a bowl of bread stix and a glass of pineapple juice sa harap niya.

Sabi nila, wala raw sikretong naitatago nang matagal...

Ven, how would you feel kapag malaman mo sa bandang huli na hindi si Daddy Alex ang tunay mong ama? Magagalit ka ba? Will you hate me?

Muli kong naalala ang panaginip ko.

No... I don't want that to happen... Anything but that...

I exit Facebook and joined my daughter in watching Jack Frost. Agad siyang sumiksik sa akin pagkaupo na pagkaupo ko sa tabi niya. Parang ako rin kay Alex, agad na sisiksik...

.

.

Kinabukasan, muli kong sinilip ang Facebook account ni Jeff. Nagulat ako sa bago niyang profile picture...

He is happily holding a newborn baby!

Saglit akong natulala. Baby niya?

Has he gotten married?

Di na ako nagdalawang-isip pa, I got excited, agad akong nag-message...

Ang cute! Baby mo? Congrats!

Agad kong pinindot ang enter bago pa magbago ang isip ko. Then I waited for a reply.

Tama talaga ang sinasabi nila na kapag may hinihintay ka, talagang mabagal maglakad ang kamay ng orasan. Ten minutes pa lang ang nakalipas pero parang ang tagal-tagal na ng paghihintay ko sa sagot niya. Sana hindi na lang ako nag-message. Baka mamaya niyan, kung ano pa ang isipin niya...

It was exactly thirteen minutes after that when I received a reply.

Oi! Ikaw na ba 'yan Van? Yup! Baby ko 'to. Kakapanganak lang ng wife ko kahapon. Kumusta ka na? I looked at your wall, magkadikit pa rin kayo ni Alex ah. Who's the kid with you?

Kinabog na naman ang dibdib ko. What should I tell him?

Si Ven? Anak ko siya... send.

Matagal na walang reply. Anong nangyari? Is he already suspecting na siya ang ama? I wish I can see his reaction now.

After five minutes, he came back...

You married Alex? Unbelievable, Van. But I saw the photos... Paanong nangyari 'yon?

THE NIGHT HE STOLE ITNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ