Chapter 6

7K 189 18
                                    


"Vanessa, I think we really should get married," bigla na namang sinabi ni Alex habang nanonood kami ng soap opera pagkatapos maghapunan. Magkatabi kami sa mahabang sofa, kumakain ng minatamis niyang sampalok.

Heto na naman siya. Kasalanan 'to ng pinapanood namin, ikinakasal kasi ang bida. Hayan tuloy, naisipan na naman niya akong kulitin.

"Alex, you've done more than enough. Hindi naman biro ang kasal na 'yan, na kapag nagsawa ka na, pwede kang sumuko at umayaw," I tried to explain.

"Ness, kailan ba kita sinukuan?"

"I know, hindi mo 'ko pababayaan. You will always be there. We don't have to get married, we're far more inseparable than hundreds of married couples out there."

"Five months na ang tummy mo. Four months na lang lalabas na si baby. Gusto kong Martinez ang dalhin niya, ang mailagay sa birth certificate niya."

Gusto ko nang bumigay sa kagustuhan niya. Kaso, natatakot ako. Paano kung dumating ang araw na magmahal siya ulit ng iba? Same with me, paano kung may dumating pa sa buhay ko na kaya kaming tanggapin ng anak ko?

"Gusto mo bang mahirapan ang bata someday? Gusto mo bang awayin siya ng ibang bata?" banat pa niya.

"Pag-isipan mo munang mabuti, Lex. Your happiness is at stake. Paano ka makakatagpo ng panibagong Papa kung kasal ka na sa akin?"

"You don't know anything about my happiness, Vanessa. Sa umpisa lang naman ang saya, after a while, mararamdaman ko na ang abuse, ang demands. Kasi nga, bakla lang ako, I'm the one on the losing end. Dapat ako lagi ang mapagbigay, dapat ako lagi ang mapang-unawa... nakakapagod," napayuko siya, kita ko sa mga mata niya ang sakit.

"Alex, sorry! I didn't mean to bring it up. Sorry!" niyakap ko siya.

"Heehh! I already told you, sanay na ako. Ang totoo, personal gain ko ang pagpapakasal sa 'yo," bumaling siya sa akin, nakangiti na.

"Paanong gain?"

"Ayokong tumanda nang nag-iisa, Vanessa. Gusto ko, may anak akong mag-aalaga sa akin balang-araw. So I'm thinking, it's better if it's you, kesa naman ibang babae pa riyan. Hindi ba? And if we're to talk about you naman, sure makakakita ka ng lalaking willing kang tanggapin kahit may anak ka. But how can you be sure na mamahalin din niya ang bata? Na hindi niya sasaktan o aabusuhin kapag wala ka?"

Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko akalain na ito ang nasa isip niya.

"O baka naman gusto mong ligawan pa kita?" taas ang kilay na tinanong niya ako, pa-maldita effect.

"Okay na nga! Sige na! Naiintindihan na kita!" suko na ako sa lawak ng isip niya.

"Payag ka nang pakasal tayo?" Excitement was written all over his face.

"Baka lang kasi pagsisihan natin pareho sa bandang huli," ipinahayag ko na ang takot ko.

"Vanessa, merong annulment. If you think the set up is not working, we can always get one. Kung mahihirapan ka lang din naman sa piling ko, bakit ka magtitiis, 'di ba?"

"I see that you've prepared for your presentation quite well, Mr. Martinez. It's very convincing and very appealing. I have no choice but to accept your proposal," wika ko in professional tone.

"Talaga?" natuwa siya, nagliwanag ang mukha.

"On one condition..."

"Ano naman 'yon?" napalis ang ngiti niya, biglang nag-alala.

"Sa huwes lang tayo magpapakasal, walang gaanong celebration. Simpleng kasalan lang."

Natawa siya...

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now