Chapter 3

9.3K 227 7
                                    


Thankfully, unti-unti na akong naka-move on with each passing day. Everything will be fine basta kasama ko lang si Alex. Siya lang talaga ang palagi kong maaasahan at palaging nandiyan sa tabi ko kapag kailangan ko.

"Vanessa, ito tingnan mo. Bagay 'to sa 'yo," aniyang binuksan ang isang eye shadow duo. Nasa isang mall kami during our Sunday gala. Kapag may nagustuhan, bibili. Kung wala, enjoy lang sa tingin-tingin. Busog na ang mga mata sa window shopping.

"Palagay mo?" tiningnan ko ang kulay at inimagine sa sarili ko.

"Oo naman. Kunin mo na, at i-try natin sa restroom."

After half an hour, lumabas na kami sa restroom for the disabled person. Gandang-ganda ako sa ginawa niyang pag-makeup sa akin. Ang galing talaga niya. Siya ang makeup artist ko kapag may importante akong lakad.

Tuloy kami sa pag-ikot. Nang mapagod, kumain kami sa food court. Patapos na kami sa kinakain namin nang biglang mapaunat sa pagkakaupo si Alex at napatingin sa gawing likuran ko. Instinctively, napalingon din ako.

"Vanessa, can we talk? Please?" si Jeff, looking so sad. Para siyang aso na nanghihingi ng pagkain sa akin habang kumakain ako.

I pushed my plate away and grabbed the bottled water, tumayo ako at mabilis na humakbang palayo ro'n. Sumunod si Jeff, tinatawag ako. Hindi ko siya nilingon, ni hindi ako huminto. Then he grabbed my arm.

"Mag-usap tayo kahit sandali lang," his eyes were pleading.

I tried to yank my arm free but his grip was strong. After all ,lalaki siya. Doon na nakialam si Alex, hinawakan din niya ang braso nito para bitiwan ako nito.

"Give her time," sabi pa niya rito.

"Kahit sandaling-sandali lang. Please!" tuloy ito sa pagmamakaawa.

Naramdaman kong bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nito, I was finally able to yank my arm free. Walang sabi-sabing hinatak ko na si Alex palayo roon. Ayokong makita si Jeff, much more makausap. I'm just not ready yet. Hindi dahil galit ako sa kanya kundi dahil guilty rin naman ako. To think na wala na akong maipagmamalaki pa sa kanya...

"Ness, sure ka bang ayaw mo na talaga siyang makausap?" tanong ni Alex nang kapwa na kami nakasakay sa taxi pauwi sa apartment ko.

"Wala na kaming dapat pang pag-usapan," sagot kong tumanaw sa labas ng bintana.

Natahimik siya. Paglingon ko, nakasandal siya sa upuan at nakatingala, nakatitig sa bubungan ng taxi. Is he worried about me?

Umusog ako palapit sa kanya at sumandal sa balikat niya.

"Hindi ko na yata napapansing tumatawag si Carl," naalala kong banggitin.

Walang sagot...

Bigla akong napatingala sa mukha niya. He's still staring up the ceiling, ngunit pakiwari ko'y tumatagos doon ang paningin niya.

"Alex, don't tell me..?" I started to say, pero nangangamba rin akong dugtungan ang sinasabi ko.

"Bakit, kesyo ba nag-break kayo ni Jeff, eh, hindi na kami pwedeng mag-break ni Carl? Akala mo naman ikaw lang, makikiuso rin ako 'no?" this time ay nilingon na niya ako at ngumiti, kaso hindi 'yon umabot sa mga mata niya.

"Gosh! I was so insensitive! I'm so sorry!" natutop ko ang dibdib ko.

"Ano ka ba! Sanay na ako sa break up. Pang-ilan na ba si Carl! Buti nga nagtagal kami ng three months eh," pabale-walang sabi niya pero sa labas ng bintana na siya tumingin.

"Kelan pa?"

"Wednesday lang."

Humilig akong muli sa balikat niya. Kapwa na kami tahimik hanggang makarating sa apartment ko. There are lots of things I want to ask him, but I don't want to rub salt on his wounds. He had been very considerate to me, I have to return the favor.

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now