Chapter 11

6.2K 162 8
                                    


As expected, pinagkaguluhan ng lahat si Ven pagdating namin sa office nina Alex, saan dati rin akong nagtatrabaho. Instant celebrity agad ang anak ko lalo na at napakabibo niya. Kapag sinabing sayaw, sasayaw agad siya. Kapag pinakanta, kakanta agad siya ng paborito niyang 'Let it go'. Sumasablay man sa lyrics, ay proud naman akong sabihin na hindi siya sobrang sintunado.

Tuwang-tuwa syempre si Alex. Proud na proud din. Sinong magulang ba ang hindi matutuwa kapag naging instant celebrity ang anak? O anak-anakan...

Habang abala sila sa kaka-picture sa anak ko, lumapit naman si Anita sa akin. Three years na silang happily married ng pastor na naghahatid-sundo sa kanya noon sa trabaho. Wala pa rin silang anak hanggang ngayon.

"Ang sarap sa pakiramdam kapag may ganyan ka ka-cute at kabibong anak no?" Binangga ng braso niya ang braso ko.

"Oo naman. Ikaw, kailan ba?" Tanong kong pinasadahan ng tingin ang tiyan niya. Flat pa rin ito, wala ni kunti man lang umbok.

"Wala pa eh. Hindi pa panahon," bahagya siyang nalungkot, wala sa sariling hinimas ang tiyan.

"Don't worry! Darating din 'yan kahit hindi mo hilingin. Ako nga eh," muli akong napatingin sa anak kong ngayon ay karga-karga na ni Alex.

"Alam mo, parang hindi pa rin ako makapaniwala na maging kayo ni Kuya Alex at magkakaanak kayo ng ganyan ka-cute. Kasi nga, di ba? Si Kuya Alex, ano..." waring nag-aalangan na sabi niya. Ngunit agad ding bumawi... "Pero in fairness, gwapo si Kuya Alex kaya ang ganda rin ni Venus."

"Parang sinasabi mong hindi ako maganda," nakalabing inirapan ko siya.

"Oi! Hindi ah! Kuhang-kuha nga ng bata ang charming eyes at pouty lips mo eh. Pero tingnan mo naman ang buhok, ilong, at balat, Alex na Alex talaga. Tingin ko, pati ang height ni Kuya Alex mamanahin niya," masayang pagdadaldal pa ni Anita.

Natigilan ako. Muli akong napatitig kay Alex at Ven. Tama si Anita... Ang laki ng pagkakahawig ni Ven kay Alex. Saglit akong natulala.

Don't tell me...

No. Imposible ang iniisip ko. It can't be. Baka naman ito ang sinasabi ng iba na nakukuha ng bata ang mukha ng taong madalas niyang nakakasama. Lalo na at masyadong malapit si Ven kay Alex. Honestly, parang gusto ko na rin magselos minsan.

Napayuko ako. Kinalkal ko sa memorya ko kung meron ba akong kilalang gano'n. Halimbawa ay naging kamukha ng anak ang yaya, o ibang tao... Kaso wala akong maisip.

Muli akong napatitig sa anak ko at kay Alex. The happiness on their faces is so priceless. Nakakahawa.

I was about to be lost on the spectacular smiles of my two important persons in the world nang senyasan ako ni Alex na lumapit. I obliged. Paglapit ko, inakbayan niya ako at hinagkan sa pisngi habang karga-karga pa rin si Ven sa kabilang kamay. Hiyawan ang mga loko niyang kaopisina. Tuwang-tuwa rin si Ven. Nahawa na rin ako.

Ganito pala ang pakiramdam ng isang celebrity. Sa totoo lang, nakakatuwa.

.

.

.

As promised, sa paborito ni Ven na fast-food chain kami nag-dinner. Kagaya ng kasunduan nilang dalawa, makakapaglaro lang si Ven sa play area kapag naubos na niya ang dinner niya. Mabuti naman at wala na siyang tantrums ngayon. Dati, kapag hindi pinagbigyan agad, talagang magwawala. Alex really knows how to handle her. Kahit na nga, agahan, hapunan, at Sundays lang sila magkakasama. Ven really loves him.

That night at bedtime, pareho kami ni Alex na tumabi kay Ven sa kama ng bata. Tinanggal muna namin ang mga naglalakihan niyang unan at stuffed toys para may space. Ibinalik lang namin 'yon sa tabi niya nang makatulog na siya.

THE NIGHT HE STOLE ITOnde as histórias ganham vida. Descobre agora