Chapter 17

5.9K 168 8
                                    


"Sino ang umawat sa 'yo?" Nakalimutan ko na yatang huminga sa sobrang kaba.

"Si Alex..." Kalmadong sagot niya bago pumasok sa kalye saan naroon ang bahay namin ni Alex.

For a moment, hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Medyo nalito ako.

"Si Alex?" paglilinaw ko pa.

"Yeah. He was so mad that time. I admit medyo natakot ako kaya ibinigay kita sa kanya."

I can't believe it. No, it's impossible! Bakit wala siyang sinabi sa akin?

"You don't look so good... Are you alright?" May pag-aalalang tanong niya.

"I'm fine... I will be fine. Pahinga lang ang kailangan ko. Malapit na lang naman ang bahay."

.

.

.

Hindi ko na naimbitahan pang pumasok ng bahay o naalok man lang ng kape si Jeff. Nag-text na raw kasi si Jackie. Nagpasalamat ako sa kanya bago pumasok ng bahay at naupo sa sofa habang karga pa rin ang anak kong napahimbing talaga ng tulog.

Still, I can't gather my wits together. Now that I've heard Jeff's side, lalo lang akong nalito.

Don't tell me...

Ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yong anak ko si Ven?

But I thought sinasabi lang 'yon ni Alex para tumigil na ako sa kakulitan ko?

No! There must be some explanation. Kailangan na naming mag-usap. I need to hear his side of the story. Baka may umawat din sa kanya? O baka pag-alis niya, pinasok ako ng akyat-bahay at ni-rape? Maraming posibilidad.

O baka naman, nahihirapan lang talaga akong tanggapin.

"Mom? Where's Daddy?" Nagising na si Ven at tumingala sa akin.

For the first time, na-realize ko, kamukha nga talaga ni Alex ang anak ko... Mata, ilong, buhok, at balat.

No way!

"Dad?" Bumaba na si Ven mula sa kandungan ko at nagtawag.

"He's not home yet," kinabig ko siya palapit at niyakap.

The denial in my heart took on another form and started to burn. Pakiramdam ko, pinaglaruan ako, niloko ng taong pinagkatiwalaan ko. Ilang taon ba niyang itinago sa akin...

"Mom? Are you crying?" Nagtatakang pinahid ni Ven ang basa kong pisngi.

"May naalala lang kasi akong movie. It's a very sad movie. Nakakaiyak talaga siya," pinilit kong ngumiti sabay punas ng mga luha ko.

"Don't cry... It's just a movie," aniyang kuhang-kuha ang tono ko kapag sinasabihan ko siya tuwing naiiyak siya o natatakot sa pinapanood.

I wish it's just a movie...

.

.

Nakaluto na ako ng hapunan pero wala pa rin si Alex. Wala kahit text. Dati, kapag mali-late siya ng uwi kahit thirty minutes lang, magte-text siya to let me know. At dati, tatawagan ko agad siya kapag ganito dahil sa pag-aalala. Pero ngayon, hindi mangyayari 'yan. Isa pa, baka magkasama lang sila ni Carl at nag-iinuman, maka-isturbo pa ako. Ang alam ko, galit ako ngayon. Masama ang loob ko. Bahala siya kung ayaw niyang umuwi.

Dumating din siya nang six forty pm, kumakain na kami ni Ven. Six thirty ang aming family dinner time na ginawa naming practice para makasanayan ng bata. Kahit naiinis ako, at kahit hindi ako siguradong darating siya, ipinaglagay ko pa rin naman siya ng plato sa place niya.

"Sorry, I'm late. Nagpatawag pa kasi si boss ng last minute meeting," aniyang humalik muna kay Ven bago lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko. Hindi ako kumibo.

"Daddy..." simula ni Ven.

"Ven, you know the rules... no talking while eating," inagapan ko ang mga sasabihin pa sana ng anak ko.

Napatitig si Alex sa akin, 'yong titig na nagtatanong kung ano ang nangyari. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain. Natapos ang hapunan na wala nang kahit ano pang ingay sa mesa maliban sa ingay ng kutsara at tinidor sa plato. Pagkatapos ng hapunan, tahimik akong nagligpit. Patingin-tingin lang si Alex, halatang tumityempo ngunit hinatak na siya ni Ven papuntang living room.

.

.

.

Nasa kwarto na ako nang muli siyang magkaroon ng pagkakataon na masolo ako. Nagsusuklay ako, nakaupo sa harap ng dresser. Sinulyapan ko lang siya sa salamin, tuloy ako sa pagba-brush ng buhok kong malapit nang umabot sa beywang ang haba.

Marahil ay pinatulog na niya si Ven. Nine-thirty na ayon sa berdeng wall clock na nasa taas ng dresser.

"Nagkita raw kayo ni Jeff sa mall sabi ni Ven?" Marahang tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot. Lumapit siya sa akin at pasimpleng sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ko. Namalayan ko na lang, hawak na niya ang hairbrush at siya na ang nagsusuklay ng buhok ko.

"Bakit hindi kayo tumuloy sa office?" Mahinahon pa rin ang boses niya.

"Nagpunta kami," sa wakas ay nagsalita na rin ako.

Nahinto ang kamay niya sa pagsusuklay. Nagkatitigan kami sa salamin. Ako, naiinis. Siya, nagtataka.

"Nagpunta kami. Idinaan kami ni Jeff doon kanina. Kaso you seemed busy I decided not to interfere with your business. Saka, napahimbing ang tulog ni Ven kaya nakisuyo ako kay Jeff na ihatid na lang kami dito."

"Hindi man lang kayo bumaba sa kotse ni Jeff? Nandoon na pala kayo kanina," there was something in his voice... Masama ba ang loob niya? His hands resumed brushing my hair, slowly this time.

"As I said, ayokong maka-istorbo. Nakita kong nag-uusap kayo ni Carl sa labas," tumayo na ako at iniwan siya sa harap ng salamin.

Pagkaupo ko sa kama, bigla siyang natawa. Nagtatakang tinapunan ko siya ng naiinis na mga tingin. Ano bang nakakatawa?

"And here I am, getting insecured about Jeff. Nagseselos ka rin pala?" Ang ganda ng pagkakangiti niya. Para siyang tuwang-tuwa na hindi ko mawari.

"Hindi ako nagseselos!" Naiinis na tinalikuran ko siya. Nahiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. I want to ask him what happened that night, but I guess I'm too scared to know the truth. Baka hindi ko matanggap.

Ngunit, okay lang ba na hindi ko na malaman? Wasn't I dying to know who Ven's father is? Paano kung si Alex nga? Dapat ba akong magalit? Kung hindi naman siya, paano kung akyat-bahay nga? Patuloy pa rin ba akong maghahanap?

Naramdaman kong lumundo ang kama. Maya-maya pa, naramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa akin.

"Sorry na..." Mahinang sabi niya na hinagkan ang buhok ko.

Hindi ako kumibo. Nagtatalo pa rin ang kalooban ko kung tatanungin ko ba siya o hindi na. Natatakot akong ang best friend kong pinagkatiwalaan at inaakalang sumagip sa akin ay siya palang tunay na salarin. Ngunit kung hindi ko siya tatanungin, judging him or even just doubting him will be unfair.

"Alex..." I gathered more courage.

"Hmm?"

Hindi ako bumaling paharap sa kanya. Ni hindi ako umikot. I feel more comfortable not seeing his face for now.

"Six years ago... Ano ang totoong nangyari noong malasing ako?"

Naghintay ako ng mahigit isang minuto bago ako nakarinig ng malalim na buntong-hininga.

.

.

.

(Next chapter, recollection of the past based on Alex's point of view.)

THE NIGHT HE STOLE ITWhere stories live. Discover now