Chapter 8

6.3K 182 2
                                    


I gave birth to a healthy baby girl. We named her Venus Axel, kuha sa pangalan naming dalawa ni Alex. Mas elated pa si Alex compared sa akin. Feeling ko mas siya pa ang ina. But even though I had regrets, wala akong maramdamang sama ng loob sa bata. Hindi ko nga lang maiwasan sometimes, when I hold her, I kept on thinking...

Who is your father? Mabait ba siyang tao? O likas na mapagsamantala? Will you grow up like him? Anu-ano ang mamanahin mo sa kanya? Ugali, mata, ilong, height, buhok? Will you look for him someday if you are to know the truth? Will you forgive me?

.

.

.

After four years...

"Mommy! Mommy! Look! Look at me! I'm a princess!" tuwang-tuwa na tumakbo si Ven papasok ng kusina.

"Ingat! Baka madapa ka!" agad kong binitiwan ang hawak kong sandok at sinalubong siya.

Four years old na siya, madaldal, makulit, at mas malapit kay Alex.

"Look at my crown! I'm a princess!" nag-curtsy pa siya.

May suot siyang tiara hairband. Malamang ito ang surprise ni Alex sa kanya ngayon. Just a moment ago, kasama ko pa si Ven sa kusina, nagluluto kami ng spaghetti. Ngunit nang marinig namin pareho ang pagdating ng kotse ni Alex, tumakbo agad ang bata palabas. Kilala na talaga niya ang tunog ng kotse ng kinikilalang ama.

Pinatay ko na ang apoy at iniwanan ang spaghetti sauce upang salubungin si Alex. Ngunit paglabas ko pa lang ng kusina, nakasalubong ko na siya.

"I'm home!" nakangiting dinampian niya ako ng halik sa pisngi.

"Welcome home," humalik din ako sa pisngi niya.

Ganito na ang normal na eksena sa bahay araw-araw. In fairness, masaya pala ang buhay may asawa. Masarap din maging ina, lalo na't ang partner ko ay very supportive at hinding-hindi niya kami pinababayaang mag-ina. Nag-e-effort din si Alex for Venus' sake, giving up on all his cosmetics and feminine clothes and accessories. Ako ang sinuwerte dahil napunta sa akin lahat ng gamit niya.

In terms of luck, I'm indeed very lucky. Wala na akong mahihiling pa. Can't help looking back at the past though. And with the past, natural, kasama si Jeff.

I still remember him. Hindi na nga lang gano'n kadalas. Nasa abroad pa rin siya, huling balita ko. Alam kaya niyang nanganak na ako? May nakapagsabi na kaya sa kanya?

Of course! Alangan namang hindi makarating sa kanya ang balita. Mainam na rin 'yon para hindi na siya magdalawang-isip mag-asawa rin.

Hindi ko man nais isipin, bumalik na naman sa memorya ko ang pangyayari sa bar. Nag-uusap pa kaya sila ng babaeng 'yon? Sila pa rin kaya?

It still affects me in a way. Pero, not as much as it did before. Honestly, I really want him to be happy and find the right girl for him. I'm happy with my life now. Siguro, siya rin.

Nasa nursery na si Ven, napakabibong bata, masipag at maingay. Kuha niya ang pagiging masayahin at vain ni Alex. Kapag nandito lang kasi si Alex sa bahay, silang dalawa ang palaging magkadikit. Na-develop tuloy ng bata ang pagiging vain, gusto nito palaging nakaayos ang buhok. Marami na rin tuloy akong natutunang hairstyle dahil sa request ng munti naming prinsesa.

Inihahatid ko siya sa nursery school tuwing umaga at sinusundo after two hours. Tumatambay lang ako sa isang coffee shop na may free WiFi, sa harap ng school upang kahit paano ay naitutuloy ko ang online work ko habang hinihintay si Ven. Lalabas lang ako ng coffee shop twenty minutes bago matapos ang class nila.

THE NIGHT HE STOLE ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon